Erich Gonzales, niregaluhan ng b0nggang bouquet ng bulaklak ni Kris Aquino

Sino nga ba ang hindi nakaka-kilala sa magaling at magandang aktres na si Erich Gonzales? Tiyak na maraming netizens at mga all time viewers ang kilala at pamilyar kay Erich dahil madalas itong napapanood sa mga kilalang teleserye ng ABS-CBN noon at iba pang mga pelikula.

Credit: Erich Gonzales instagram

Matatandaang unang nakilala si Erich nang maging contestant ito ng talent search show na Star Circle Quest sa edad na 14 years old. Sa murang edad ay talagang matapang na pinasok ni Erich ang mundo ng showbiz upang makamit ang kanyang mga pangarap.

Credit: Erich Gonzales instagram

Hindi naman binigo ni Erich ang mga manonood at nanalo ito sa nasabing show kaya naman simula noon ay maraming oportunidad at proyekto ang nagbukas para sa aktres at mas nakilala ito ng nakakarami.

Dahil sa kanyang galing sa pag-arte ay hindi na nakakapag-takang napabilang ito sa mga maraming proyekto kung saan nakatanggap ito ng maraming awards dahil sa kanyang natural at napaka-galing na talento. Kaya naman tinagurian itong isa sa mga in-demand na aktres dito sa Philippine showbiz industry.

Credit: Erich Gonzales instagram

Matapos ang ilang taon nito sa showbiz ay talagang umaarangkada pa rin ang takbo ng kanyang career hanggang ngayon dahil kasalukuyan itong mayroong teleserye na pinamagatang “La Vida Lena” ng TV5 na mapapanood sa TodoMax Primetime Singko.

Credit: Erich Gonzales instagram

Sa kalagitnaan naman ng career ni Erich ay naka-kilala ito ng mga taong naging parte at importante sa kanyang buhay na isa sa mga pinasasalamatan nito bawat taon sa kanyang kaarawan. Isa ang queen of all media na si Kris Aquino at ang pamilya nito ang naging parte sa buhay ng aktres.

Sa mga nagdaang taon ay nagkaroon ng napaka-gandang relasyon sina Erich, Kris at mga anak nito at sa katanuyan ay tinuturing nang parte ng Aquino family at adopted panganay ni Kris ang aktres. Kaya naman masasabi talagang mayroong malapit na relasyon ang mga ito.

Credit: Erich Gonzales instagram

Kamakailan-lamang ay ipinagdiwang ni Erich ang kanyang kaarawan at siyempre hindi nagpahuli ang Aquino family sa pagbibigay ng regalo sa aktres upang batiin ito sa kanyang kaarawan.
Ibinahagi naman ni Erich sa kanyang Instagram account ang sweet na sweet na regalo at effort na ibinigay ng Aquino family para sa kanyang kaarawan.

Credit: Erich Gonzales instagram

Sa letrato ay makikita ang napaka-gandang ipinadalang pink at white roses na bouquet ng pamilyang Aquino para sa aktres na may kasama pang letter para rito na talagang na-appreciate ni Erich lalo na at si Bimby pa umano ang nag-hatid nito kaya naman sa kanyang caption ay pinasalamatan nito ang Aquino family.

Credit: Erich Gonzales instagram

“These flowers and your touching letter made my birthday extra special. Thank you Ate Kris, Kuya Jjosh and to the cutest delivery man Bimb for the sweet surprise. I love you too for life, @krisaquino.” Saad nito sa kanyang caption.

Credit: Erich Gonzales instagram

Mararamdaman sa caption ng aktres kung gaano ito labis na nagpapasalamat sa naging sorpresa ni Kris at kung gaano ito ka-saya sa kanyang natanggap na mga bulaklak lalo na at galing ito sa kanyang itinuturing na pamilya.

Credit: Erich Gonzales instagram