Ex PBB Housemate na si Karen Reyes, inilahad kung bakit nga ba hindi sya agad umamin na meron na syang 2 anak

Kilala nating lahat si Karen Reyes bilang isa sa mga pinaka pr@ngkang housemate sa Bahay ni Kuya sa programang “Pinoy Big Brother” noon ng ABS-CBN.

Credit: Karen Reyes instagram

Paglabas ng bahay, isa sa mga ginawa ni Karen ay ang tahakin ang mundo ng showbiz. Pero, pinag-usapan si Karen nang malaman na mayroon pala siyang dalawang anak. Hindi kasi ito agad na amin ni Karen kaya naman binalikan niya ang kwento dito.

Credit: Karen Reyes instagram

Kaya naman, sa kanyang interview noon sa “Magandang Buhay” ay naipaliwanag ni Karen kung ano ang nagpalakas ng kanyang loob para mabunyag ito.

Credit: Karen Reyes instagram

“Actually noong nag-quarantine tayo, na-chika ko sa jowa ko na nalulungkot ako ganyan. Tapos sabi niya sa akin ‘bakit?’ Sabi ko ‘parang may kulang sa akin.’ Marami akong struggl3 sa mahabang panahon pero mas pinili ko lang talaga na balikan lang din talaga kung sino ako.

Credit: Karen Reyes instagram

Until one day parang nagising na lang ako na parang sobrang saya lang. Ang saya-saya ko lang,” pahayag ni Karen.

Hindi naman daw talaga niya ginusto na itago ang kanyang mga anak, at wala din siyang pagsis!si na itinago niya ang mga ito noong una.

Credit: Karen Reyes instagram

“Wala naman din pong pagsisisi na itinago ko siya kasi nung time na ‘yon ay sunod-sunod din po ‘yung projects. … Hindi ko naman din ginusto na itago siya, nagkataon lang po talaga. … Sumabay lang ako sa flow,” saad pa ni Reyes.

Credit: Karen Reyes instagram

Ginawa niya ang pagbunyag na ito noong Mayo. Dalawa na ang anak ni Karen sa kanyang partner na bokalista ng bandang Silent Sanctuary na si Raymund “Sarkie” Sarangay.

Credit: Karen Reyes instagram

Si Olivia ang kanyang panganay na naisilang noong Hunyo 16, 2017 habang Hulyo 28, 2019 nang mapanganak naman si Lucas na bunso.

“Ang sarap! Siyempre mommy na tayo, ang sarap may kakuwentuhan na nakaka-relate sa iyo. Hindi ko ini-expect ‘yung pagtanggap nila sa akin na ganyan din sila, maagang nagbuntis tapos takot na tak0t din sila sa magulang nila. Sobrang naka-relate sila roon sa tak0t na sinasabi ko,” masayang saad pa ni Karen.