Isa sa mga lubos na naapektuhan ngayong p@nd3m!c ay ang mga musicians, artist at mga banda na ating hinahangaan. Bukod kasi wala na ang mga concerts, maraming ding apektado gaya ng mga regular gigs nila na nagiging source of income nila.

Kaya naman, kanya kanya ng diskarte ang bawat isa kung paano nga ba kumita at paano makaraos sa p@ndemy@ng ito.Sikat na sikat ang bandang M.Y.M.P. Isa sila sa mga bandang inaabangan at tinitingala ng lahat. Nakilala sa bandang ito ang kanilang founder, composer at lead guitarist na si Chin Alcantara.

At dahil sa apektado ng pand3my@, pinasok na rin ni Chin ang food business na kanyang sinimulan noong Hunyo.Ilan sa mga itinitinda nila ay mga snacks, mga dishes na talagang napakasarap gaya ng sisig at milk tea.

Ilan sa kanilang mga best seller na pagkain ay tofu sisig, beef with brocolli, inihaw na pusit, barbecue, buttered chicken at beef tapa.Bukod sa kanyang pagtinda, siya na rin mismo ang naging delivery rider nito. Hindi ba’t napaka flexible ni Chin?

“Sige ako muna ‘yung magra-rider habang wala pa tayong rider. Sinimulan namin sa June, ako na mismo nag-deliver sa mga milk tea,” saad ni Chin.Napakagaling nga naman ni Chin dahil napagsasabay sabay niya ang lahat ng ito. Mula sa pag mamanage nito, pagsiguro sa kalidad ng pagkain at sa pagdedeliver ay nagagampanan niya lahat ng ito ng maayos.

Sa katagalan, nakuha ng magamay at masanay ni Chin sa kanyang negosyo. Bilang isang business owner, bahagi ang pagiging madiskarte at maging flexible kahit saan.
“Kailangan marunong tayo at willing tayong mag-adjust sa situation. Magtipid tayo, at willing tayong mag-sacrifice,” advice pa ni Chin.

Isang halimbawa si Chin na sa kahit anomang problema o pagsvbok, matuto tayong mag adjust at maging masipag at matiyaga sa anumang iharap sa atin ng mundo.