Fourth Solomon, masayang ibinahagi ang kanilang photosh00t kasama ang cute nilang baby boy

Ipinagmalaki ni Fourth Solomon ang kaniyang first-born child sa publiko. Ibinahagi niya ang iilang mga litrato ng anak na kasama silang mag-asawa sa kaniyang post na may caption na “Hello @robertgavin_ say Cheese 🧀 😅 Daddy and Mommy @grizellegratela love’s you 😁❤️”

Credit: Robert Solomon Pagotan lV instagram

Si Robert Solomon Pagotan IV o mas kilala bilang Fourth Solomon ay dating housemate ni kuya sa reality show na Pinoy Big Brother. Ikinasal sila ng asawang si Grizelle Gratela na isang model noong August 27, 2020 ng modern rustic civil wedding.

Credit: Robert Solomon Pagotan lV instagram

Makikita sa Instagram account ng former pbb housemate ang mga update tungkol sa kaniya lalo na ang mga masasayang mga pangyayari sa kaniyang buhay tulad na lamang ang mga posts simula noong malaman niyang positibo ang pregnancy test ng kaniyang misis hanggang ngayon napanganak na ang kaniyang panganay.

Credit: Robert Solomon Pagotan lV instagram

Makalipas ang anim na buwang paghihintay mula noong makumpirma ang pagbubuntis ni Grizelle ay sa wakas ay sinalubong na rin nila ang kanilang first-born child noong April 26, 2021 sa St. Luke’s Medical Center. Ang lalaking anak ay ipinangalanang Robert Gavin.

Credit: Robert Solomon Pagotan lV instagram

Nabanggit ni Grizella sa social media na “answered prayer” para sa kaniya ang anak. Makikita naman sa mag-asawa ang walang katumbas na kasiyahang nararamdaman nila sa pagdating ng kanilang panganay.

Credit: Robert Solomon Pagotan lV instagram

May mga kasamahan at kaibigan naman sa industriya ang nakisama sa pagdiwang ng pagiging ganap na magulang ng dalawa at ipinabatid ang saya pati narin ang mga congratulatory messages sa comment sections sa ibang posts ni Fourth.

Credit: Robert Solomon Pagotan lV instagram

Iilan sa mga celebrity na nagbigay ng maiikling mensahe sa pamilya ay sina Loisa Andalio at Vickie Rushton; iamandalioloisa: “Waaaaah. Congrats ate and kuya fourth!!!❤️”, vimrushton: “Awww!!! Congratulations!!! 🥺♥️🥰”. Ang dalawa ay nakasabayan ni Fourth sa iisang season ng reality show, at ito ay ang Pinoy Big Brother All-In.

Ipinabatid din naman ang saya at pakikipag-selebra ni Chariz Solomon na nakatatandang kapatid ni Fourth sa comment section sa isang post kung saan ang sinabi niya ay “Cutiepieee my baby RG!!!!” “Pag nakapagqu@rant!n3 na tayo kitakits! Pakargaaaa hahaha” kung saan walang dudang makikita ang pagk@sabik nitong makita na ang pamangkin.

Masasaksihan sa mga posts nina Fourth at Grizella ang pagdiwang nila sa mga masasaya at mahahalagang araw ng buhay nila na kanilang ibinabahagi sa mga taong nakapalibot at nagmamahal sa kanila.