Francine Diaz, pinakita ang kanilang magagandang litrato para sa music video ng kanyang kaibigan na si Jayda

Kilala si Jayda Avanzado bilang isa sa mga napakagaling na singer at artista. Sa kanyang launching ng Rise Artists Studio, ipinakilala ni Jayda ang kanyang latest music video na “MU (Malabong Usapan)”.

Ito ay kanyang sinulat at pinroduce at dinirect din niya ang kanyangbmusic video. At dito nga niya nakasama ang kanyang best friend na si Francine Diaz.

Credit: Jayda instagram

“Nabuo talaga yung konsepto ng MU galing sa isang conversation between me and Francine Diaz na friend ko. Nagbibiruan kami sa mga gusto namin at yung mga ayaw namin sa isang relasy0n. Parang nag-j0ke ako, kasi yung M.U dito sa Pilipinas it means mutual understanding,” saad ni Jayda.

Credit: Jayda instagram

Dagdag pa ni Jayda, “Pero sabi ko sa kanya yang MU na yan malabong usapan yan kaya bigla nagkaroon na ako lightbulb moment and that’s what really motivated me to write this song. Tapos medyo inupuan ko muna yung idea and then I end3d up finishing it with a full track and here we are today. The rest is history.”

Credit: Jayda instagram

Ang awit na “MU (Malabong Usapan)” ay isang konsepto ng isang karaniwang babae na nalilito sa walang label na relationship. “Nagsimula yun kasi ganun talaga kami mag-usap. Alam mo naman kaming mga babae. It’s girl talk and siguro ganun kami ni Francine na I would say na we can talk about everything.

Credit: Jayda instagram

pati yung mga sery0so na matter na mga ganyan, alam namin ang gusto namin. And na-realize namin na bilang magkaibigan we’re always looking out for each other. Alam namin yung mga ayaw namin para ma-protektahan namin yung mga sarili namin.

Credit: Jayda instagram

Siguro bilang magkaibigan we make sure to look out for one another and make sure we make the best decisions. Ganun kami,” kwento pa niya. Kaya naman, para kay Jayda ay itinuturing niyang closest friend si Francine sa showbiz.

Credit: Jayda instagram

“Nagsimula kasi yun nung nagkasama kami sa isang flight from San Francisco. I think they came from ASAP Bay Area and I happened to be in the bay area kasi dun talaga ako based sa America.

Dun ako lumaki and it just so happened na we were on the same flight and magkatabi kami sa plane and we got to chatting there and we became super close,” pagbabahagi ni Jayda sa kanilang friendship story.

“So doon talaga nagsimula yung friendship namin. Pero masasabi ko talaga na mas naging close kami throughout quarantine. I think my friendship with her was one of the best things to come out of quarantine. Talagang I consider her to be a sister to me now. Dun talaga nagsimula yun,” patuloy pa niya.