Gabbi Garcia at Khalil Ramos, sinabi na si Kathryn Bernardo ang naging tulay sa kanilang pag-iibigan

Talaga namang mapapa sana all ka sa kilig at tibay ng relasyon ni Khalil Ramos at Gabbi Garcia. At sa isang Youtube Live nila, ay naikwento nila sa atin ang kanilang love story kung paano sila nagkakilala at mismong si Kathryn Bernardo ang naging tulay sa kanilang dalawa.

Credit: Gabbi Garcia Instagram

Nagkakilala si Gabbi at Khalil sa debut ni Julia Barretto noong taong 2015. Dahil magkatrabaho at magkaibigan si Khalil at Kathryn, tinanong niyang agad si Kathryn kung sino si Gabbi na katabi ni Kathryn.“Tapos parang naramdaman niya yata kaagad na parang I’m crushing on you or I like you. Sabi niya agad, ‘Si ano iyan, si Gabbi. Papakilala kita, papakilala kita. Halika, halika, papakilala kita,” saad ni Khalil.

Credit: Gabbi Garcia Instagram

Agad agad namang ipinakilala ni Kathryn si Khalil kay Gabbi. At doon na nagsimula ang masaya at matibay na relasyon nilang dalawa. Simple lang na ipinakilala ni Kathryn si Khalil kay Gabbi pero ang gabing iyon ang naging daan para magkatuluyan sila.

Credit: Gabbi Garcia Instagram

“Sumayaw pa kami sa dancefloor ni Kath. Suddenly, someone from Star Magic pulls her and said she has an interview so I was alone. Hindi ko na alam, bigla ka na lang lumapit sa akin,” kwento naman ni Gabbi.Talagang sinundan pala ni Khalil si Gabbi dahil nag-iisa na siya. Hanggang sa naging magkausap na silang dalawa.

Credit: Gabbi Garcia Instagram

Pag-amin naman ni Gabbi, ay hinintay niya daw na hingin ni Khalil ang contact number niya. Nawalan sila ng contact sa isa’t isa matapos noon pero muli silang pinagtagpo ng tadhana taong 2017 at nagsimula na silang nagkamabutihan at lumalabas.Lubos naman ang pasasalamat ni Khalil at Gabbi kay Kathryn.”Thank you Kath, we love you. And we miss you if you’re watching.”

Credit: Kathryn Bernardo instagram

Nag reply din naman mismong si Julia Barretto sa isang nakakakilig na post ni Gabbi.
“Ang saya talaga kapag nasa tamang tao ka. Parang everything good follows. Parehas kayong naghihilahan pataas. Alam mong mabuti kayo para sa isa’t isa. Wala lang, ang saya lang for the past three years ang sarap sa pakiramdam mag bloom with the right person. Yun lang, goodnight,” post ni Gabbi.