Gabbi Garcia, nagbahagi ng sweet photos nila ni Khalil Ramos para sa kanilang 5th anniversary

Kilalang couple ang nakakakilig na couple ngayon na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos. Matagal na rin sila at ngayon ay nagdiriwang sila ng kanilang ika-limang anibersaryo. Noong Martes, February 22 ay nagcelebrate sila ng kanilang 5th anniversary. Makikita naman sa kanilang IG accounts ang sweet messages nila sa isa’t-isa.

“5 years since I started dating this silly boy. Happy anniversary. Ily w all my heart!” saad ni Gabbi in sa kanyang post na may kasamang picture niya at ni Khalil.

Samantala, sa part naman ni Khalil ay nagbahagi din siya ng napakasweet na mga messages kasama ang kanyang “lovelove.”

“2.22.22. Happy 5 years my lovelove @gabbi. Feels like yesterday, when I first held your hand. I love you,” saad naman ng actor. Matatandaang nagkakilala at naging close dahil sa kanilang common friend na aktres na si Kathryn Bernardo. Ipinakilala sila ni Kathryn sa isa’t isa noong debut ni Julia Barretto sa 2015.

Pero, hindi naman agad-agad ay naging official couple ang dalawa. Umabot din ang halos 2 taon bago sila naging couple. Ngayong sila ay nagdiriwang ng kanilang 5th anniversary, nabuksan na rin sa kanilang mga interviews ang mga tanong sa kanilang mga future plans sa isang interview nila sa G3 San Diego for MEGA Entertainment.

Ayon kay Khalil, pareho nilang cinonsider na ang kasal ay ang ultimate goal ng kanilang relationship.

“Ako kasi, whenever I get into a relationship, I’m the type of guy who dates to marry talaga. I have friends who date to marry. I hope it’s not rare,” lahad ni Khalil.

Dagdag pa ni Khalil, “So, for me, there’s no other point, there’s no other end goal but to spend the rest of your life with your partner. That’s the goal. So, whatever we do leans towards that.”

Para naman kay Gabbi, si Khalil na daw ang nakikita niyang taong gusto niyang makasama habang buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gabbi Garcia ♡ (@gabbi)

“Oo naman! Wala namang iba. Ano’ng itsura niya? Masayang masaya siya? Sana. [laughs] Oo naman. Knowing Khalil, I could imagine nakatayo siya du’n ta’s may hawak siyang film cam,” sabi naman ni Gabbi.