Kung hatawan at galawan ang usapan, isa sa mga magagaling sa dance floor sa showbiz noon ay ang 39 year old na ngayon na dancer at designer na si Regine Tolentino. Kung naaalala niyo pa siya, isa siya sa mga pinakamagaling at inaabangan na dancer sa showbusiness sapagkat passion niya talaga ang pagsasayaw.

Kaya naman, kahit pa mayroon ng tatlong anak si Regine ay hindi man ito mahahalata dahil sa napakagandang hubog ng kanyang katawan at young look na nakikisabay pa sa mga teenagers. Kaya naman, ang panganay na anak na babae ni Regine na si Reigen Maristela ay manang mana din sa kanyang mommy.

Kaya naman, nang mag debut at nagdiwang siya ng 18th birthday ay isa na siya sa mga sinundan at sinubaybayan ng mga fans sa showbiz.Tuwang tuwa si Regine sa kanyang dalaga dahil hindi niya sakit ng ulo ang kanyang anak. Sa katunayan, nag eexcel ito sa pag-aaral at talagang tutok sa kanyang studies. Pero siyempre, may mga adjustments din lalo na at dalaga na ang kanyang anak.

Isa pa sa mga ikinatutuwa ni Regine ay hindi maluho ang kanyang anak. Hindi ito nag show off lalo na sa social media. Makikita mo ang kanyang mga social media accounts na halos mga pasyalan at lugar ang mga posts nito.

Kung makita man ang kanyang mukha ay talaga namang kahanga hanga ito dahil sa angking ganda ni Reigen na manang mana sa kanyang ina.Isa din sa mga nakuha ni Reigen kay Regine ay ang talento ng pagsayaw at pagdidisenyo. Malay natin at si Reigen pala ang magmamanage ng negosyo ni Regine na “Regine Tolentino Atelier” na naitayo noong1999.

Sa kabila nito, patuloy naman sa pag-aaral si Reigen at wala pang update kung tatahakin ba niya ang mundo ng showbiz o magfofocus sa career na gusto niya.
