Geneva Cruz, pinakita ang kanyang masayang bakasyon sa isla ng Boracay

Ang buhay sa industriya ng showbusiness ay sobrang busy kaya tuwing may chance ang mga celebrity na magbakasyon o magpahinga ay sinusulit nila ito. Kadalasan ay pagkatapos ng kanilang busy life-phase sa showbiz ay inilalaan nila ang oras sa mga mahahalagang tao sa kanilang buhay upang makapagcatch-up o makabonding ang mga ito.

Credit: Geneva Cruz instagram

Minsan ay makikita sa kanilang mga social media post na kasama nila ang kanilang pamilya o mga kaibigan na namamasyal o kaya’y nag-i-staycation.
Sa isang post ni Geneva Cruz sa kaniyang Instagram account ay isa sa mga pinili niyang paglaanan ng kaniyang vacation-time ay ang anak na si London.

Credit: Geneva Cruz instagram

Ang nakalagay sa caption ng nasabing post ay “Beach buddies. 😍☀️🌊🏝🌸” na may hashtags pang “#genevaandlondon #bffs #motherdaughter” habang makikita ang mag-ina na tila parang naggpipictorial kung saan ang background nila ay isang napakagandang beach.

Credit: Geneva Cruz instagram

Ang mag-inang sina Geneva at London ay nasa Jony’s Beach Resort sa Boracay. Mapapatunayan sa mga picture kung gaano ka-photogenic ang dalawa habang sila’y ‘twinning’ o ‘matchy’ sa kanilang mga #ootd na floral dresses na nasa halos magkaparehong shade ng blue.

Credit: Geneva Cruz instagram

Si London Cruz ay anak ni Geneva Cruz sa kaniyang former Filipino-Australian boyfriend na si Lee Paulsen. Si London ay kasalukuyang 6 na taong gulang na. Sa huling bahagi ng caption ay idinagdag pa ni Geneva na ang resort na kanilang pinuntahan ay maaaring bisitahin at maenjoy nang walang dalang pera dahil gumagamit na rin sila ng cashless transaction kung saan tumatanggap sila ng Gems ng Lyka Global.

Credit: Geneva Cruz instagram

Kung mapapansin sa mga posts ng mga celebrities na nagbabakasyon ay pinapasalamatan nila palagi ang Lyka Global dahil sa hatid nitong convenience at benefits sa kaniyang mga users.
Kung bibisitahin ang account ni Geneva Cruz ay makikitang sobrang naeenjoy niya ang bakasyon at pahinga pagkatapos ng mga pinakabusy na araw niya sa industriya ng showbiz.

Credit: Geneva Cruz instagram

Maaalalang kakatapos lang ng TV show na Your Face Sounds Familiar na isang singing at impersonation c0mpetition para sa mga celebrities kung saan siya ay napabilang at naging din isang finalist.

Si Geneva Cruz ay isang multiplatinum Filipina singer at aktres. Nasa kanilang dugo ang pagiging celebrity dahil kung mapapansin ay marami siyang kamag-anak sa industriya. Dalawa ang anak ni Geneva, ang panganay niya ay si Heaven Arespacochaga na anak niya kay Paco Arespacochaga habang pangalawa naman niyang anak ay si London na kaniyang kasama sa nasabing post.