Georgina Wilson, masayang ibinahagi sa kanyang mga fans na sya ay magkakaroon na ng pangatlong anak

Sinorpresa ng British-Filipino model and host na si Georgina Wilson ang kanyang mga fans at followers matapos nitong ipost sakanyang social media account kahapon, February 12 ang isang larawan kung saan makikita ang kanyang baby bump

Credit: Georgina Wilson instagram

Isinabay ng modelo sa kanyang mismong ika-35th birthday ang pag reveal nito sa kanyang third baby. Inilagay pa nga ni Wilson sa kanyang caption na “Birthday gift coming in 6 weeks”.

Inulan naman kaagad ng pagbati mula sa kanyang mga fans and supporters ang nasabing post at imungkahi nila kung gaano sila kasaya at kaexcited para sakanya.

Credit: Georgina Wilson instagram

Spotted rin sa comment section maging ang kanyang mga celebrity friends na sina Ruffa Gutierrez, Raymond Gutierrez, Sarah Lahbati, Bianca Gonzalez at ang kanyang pinsan na si Isabelle Daza na masayang naki bati para sakanya.

Credit: Georgina Wilson instagram

Matatandaang ikinasal ang modelong si Georgina sa Winchester, England noong April 30, 2016 sa isang British businessman and hotelier na si Arthur Burnand. Sa kasalukuyan ay meron na itong dalawang anak . Isinilang niya ang kanyang panganay na si Archibald Francis Geoffrey “Archie” Burnand noong December 14, 2016 at ang kanyang ikalawang baby naman na si Alfred Thor Crichton “Alfie” Burnand, ay isinilang niya noong June 24, 2019.

Credit: Georgina Wilson instagram

Taong 2019 ng minsang mag viral ang kanyang panganay na anak matapos siyang idubbed ng mga netizens bilang “Adobo Boy” matapos ang isang video kung saan makikitang cute na cute itong nagmamak@awa para sa Filipino dish.

Credit: Georgina Wilson instagram

Naging mas matunog ang pangalan ni Wilson ng maging host at head judge siya ng Asia’s Next top model (cycle 3) noong taong 2015 at naging Guest Judge naman siya ng Asia’s Next top model (cycle 4) noong taong 2016.

Credit: Georgina Wilson instagram

Mula ng magkaanak ito ay hindi na gaanong naging aktibo sa showibiz pero mababanaag parin sa modelo na maintain niya ang kanyang beauty at pagiging s3xy kahit pa ngayon na siya ay magiging mommy of 3 na.