Gerald Anderson, nagpunta sa beach kasama si Julia Barretto at pamilya nito

Ilang linggo na rin ang lumipas mula nang lumabas ang kontr0bersyal na pagkumpirma ng magkasintahan na sina Gerald Anderson at Julia Barretto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia (@juliabarretto)

Bagamat mayroong mga bulung-bulungan na noon na sila na, matagal ding hinintay ng publiko ang kanilang pagkumpirma. Kaya naman, sa isang exclusive interview ni Gerald kay Tito Boy Abunda noon, ay matap@ng nang inihayag ni Gerald ang kanyang saloobin at ang relasyon nila ni Julia.

Credit: The Philippine Star Facebook

At sa isang latest IG pictures na pinost ng kapatid ni Julia na si Dani, makikita na kasama sa isang family picture nila si Gerald Anderson. Kakagaling lamang sa isang beach trip ng Barretto family at kasama nga nila dito ang boyfriend ni Julia na si Gerald. Sa caption ni Dani, makikita na napakasaya nila at sila ay buong pamilya.

“Mi Familia (insert Millie & Erich here) … Missing the beach and this perfect week,” saad nito.
Welcome na welcome nga naman si Gerald sa kanilang pamilya. Kasama din sa larawan ang mga kapatid ni Julia na sina Leon at Claudia, ang kanilang inang si Marjorie, asawa ni Dani na si Xavi Panlilio, at si Gerald.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia (@juliabarretto)

Wala naman sa larawan ang sanggol na anak ni Dani at Xavi na si Millie .Makikita naman ang mga suot nila Julia at Gerald sa larawan ay pareho sa isang selfie na kanilang ibinahagi sa parehong araw na nagkumpirma sila ng kanilang relasyon.

Bago pa man din ang kanilang kumpirmasyon, isa sa mga laging nasasabi ni Julia at Gerald ay ang kanilang mga pangarap at mga goals sa buhay gaya ng magkapamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia (@juliabarretto)

Ayon kay Gerald, ang pagpapakasal ang kanyang nakikita na “next chapter” ng kanyang buhay.
Habang si Julia naman ay nakikita niya ang edad na 29, 5 taon mula sa kanyang edad ngayon na ito ang tamang edad para sa kanya na magpakasal at magkapamilya.