GMA actress na si Lovely Abella at partner nitong si Benj Manalo, masayang inanunsyo ang kanilang maganda at masayang kasal

Happily married na ang kapuso dancer at comedy actress na si Lovely Abella sa long time live in partner nito na si Benj Manalo matapos silang ikasal kahapon, January 23 na idinaos nila sa Quezon City.

Credit: Benj Manalo instagram

Anim na taon na ang relasyon nina Lovely at Benj na nag ugat pa noong 2015. Ibinagi ni Benj sa instagram stories nito ang tungkol sa kasalan nila ng ng aktres.

Ipinost naman ni Lovely ang kanilang wedding picture sa kanyang instagram account na may caption na “Mr. and Mrs. Manalo” na agad namang binaha ng mga congratulatory message mula sa mga kaibigan nitong mga artista.

Credit: Benj Manalo instagram

January 1 nitong taon ng gawin ng probinsyano actor ang kanyang second proposal sa aktres at pati sa 12 years old daughter ni Lovely na si Crisha Kaye ay nagpropose din ang aktor.
Tila naging mabilis ang preperasyon nila sa kanilang beautiful wedding kung saan ibinahagi ng wedding organizer nila na Maxine Covae Events na sampong araw lang ang kanilang naging preparasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Benj Manalo (@benj)

Sa kabila ng maikling oras, naging matagumpay at maganda ang outcome ng dream wedding ng aktres na ginanap nila sa Lemuria Gourmet restaurant na isang French Mediterranian Fine Dining Restaurant and Event Venue sa may Quezon City.

Ishinare din ni Lovley ngayong umaga ng linggo na ang beautiful wedding dress nito ay ginawa ng designer na si Steph Tan at natapos ito sa loob lamang ng dalawang araw. Ibihagi rin niya na iniregalo ito sakanya ng kapamilya actress na si Kathryn Bernardo na naging kaibigan niya matapos makasama sa movie na Hello Love, Goodbye.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Benj Manalo (@benj)

Bagamat nab@sh ito sa pagtanggap sa regalo ni Kathryn ,pinasalamatan pa rin niya ito sa kanyang instagram post at sinabing “Thank you for everything, salamat sa mabuti mong puso, di ko makakalimutan ang regalo mo at kung di dahil sayo, baka wala akong maisuot..Mahal kita kayo ni Bal”

June 2019 ng unang hingin ni Benj Manalo ang kamay ni Lovely kung saan sinorpresa pa niya ito sa harap ng kanilang mga mahal sa buhay.