Gwapong anak ni Ina Raymundo na si Jakob, graduate na ng High School

Nito lamang Mayo ay nakapagtapos na nga ang gwapong gwapong anak ni Ina Raymundo nang high school, pinamalita nga ito ng proud mommy na si Ina ang panibagong milestone na naabot ni Jakob Poturnak, matapos nitong i-post sa kanyang Instagram ang patungkol sa graduation nito.

Credit: @inaraymundo instagram

Sa Instagram, nag post nga ang aktres nang video collage nang graduation nang kanyang unico hijo at sinabi na “When you l3ast expect it, it happens. Yes! A face-to-face graduation, though Erika’s zoom graduation last May 2020 wasn’t bad at all. It was special”

sabi pa nya na talagang ikinatuwa nga nya na personal na nag tapos ang kanyang anak, dahil isa nga ito sa mga mahahalagang event sa buhay kung kaya ganoon na lamang talaga ang kanyang saya patungkol sa pagtatapos nang anak.

Credit: @inaraymundo instagram

“Way to go son, Jakob Poturnak! Just like you said, high school was easy but brace for university and some int3nse baseball! We’ll always be proud of you. Your sisters, mom and dad love you so much! Congratulations, Jakob.” sabi pa nga nya.

Credit: @inaraymundo instagram

Si Jakob ay nakapagtapos nga sa International School Manila in Bonifacio Global City, Taguig.
Marami naman sa mga netizen at ilang kakilala ang nag paabot nang kanilang pagbati at mga reaksyon patungkol sa bagong milestone nang hindi lang ni Jakob kung hindi nang buong pamilya.

Credit: @inaraymundo instagram

Makikita nga sa larawan din na makikita sa post ni Ina ang mga kapatid ni Jakob na sila Erika Mae, Mikaela Jade, Anika Sage, at si Minka Eve. Syempre hindi din mawawala sa mahalagang ganap na ito ang kanyang daddy, na si Brian Portunak na noon din ay present sa pagtatapos nang kanyang anak.

Nasa edad na ngang Eighteen si Jakob at napabalita nga na sya ay magiging miyembro na nang Xavier Musketeers baseball team, isang varsity intercollegiate baseball program sa Xavier University sa Cincinnati, Ohio.

Credit: @inaraymundo instagram

Noon pa man ay talaga na ngang proud mommy na si Ina sa kanyang anak na si Jakob na kahit nga lumalaki na ito at isa na ngang ganap na binata ay sinusuguro pa rin nga nito na makasama ang anak hindi lamang sa ganitong mga kaganapan.

Credit: @inaraymundo instagram

Tinatawag pa nga ni Ina na “sonshine” itong si Jakob. Makikita nga ito sa mga ilang mga Instagram update nya na talaga nga namang kinagigiliwan din nang mga fans at netizen dahil na din sa taglay na gandang lalaki nang kanyang anak na tila nga artistahin.

Credit: @inaraymundo instagram

Sa huli isa ngang pagbati para sayo Jakob Poturnak, at sa buong pamilya ni Ina Raymundo!

Credit: @inaraymundo instagram