Gwapong anak ni Jennylyn Mercado na si Jazz, masayang nagdiwang ng kanyang ika-13 taong kaarawan

Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa Kapuso star na si Jennylyn Mercado na isa sa mga magagaling na aktres ng GMA network? Siguradong maraming Pilipino ang pamilyar o kilala si Jennylyn dahil maraming beses na itong naging kabilang sa mga iba’t ibang teleserye at pelikula.

Credit: Jen Mercado instagram

Matatandaang unang nakilala si Jennylyn nang manalo ito sa reality show na Starstruck kasama si Mark Herras. Mula noon ay talagang umusbong ang oportunidad para kay Jennylyn upang maipamalas nito sa mga viewers ang kanyang galing sa pag-arte.

Credit: Jen Mercado instagram

Hindi naman binigo ni Jennylyn ang mga all time viewers at ang kanyang mga taga-hanga dahil hanggang ngayon ay patuloy pa ring umaarangkada ang kanyang career kahit na masasabi na nating matagal na ito sa mundo ng showbiz.

Credit: Jen Mercado instagram

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kumukupas ang kanyang galing sa pag-arte mapa teleserye man yan o pelikula kaya naman tinagurian itong “Ultimate Star” ng Philippine cinema at isa sa mga top actresses sa bansa.

Credit: Jen Mercado instagram

Sa patuloy na pag-arangkada ng career ni Jennylyn, siyempre hindi mawawala ang kanyang inspirasyon upang magpatuloy dito at isa sa mga nagiging inspirasyon niya sa mga nagdaang taon ay ang kanyang nag-iisang anak na si Alex Jazz.

Credit: Jen Mercado instagram

Si Alex Jazz ay ang anak ni Jennylyn nang magkaroon ito ng relasyon noon sa aktor na si Patrick Garcia noong 2008 ngunit kahit na ganoon ay nanatili pa rin ang mga ito bilang magkaibigan hanggang ngayon.

Kamakailan-lamang ay ipinagdiwang na nina Jennylyn ang ika-13 taong kaarawan ng kanyang anak. Napaka-bilis nga naman dumaan ng panahon at hindi maka-paniwala si Jennylyn na talagang big boy na ang kanyang unico hijo.

Credit: Jen Mercado instagram

Ibinahagi naman ng aktres ang naging pagdiriwang ng mga ito sa kaarawan ni Alex Jazz sa kanyang Instagram account. Sa mga letrato, makikita na kasama nina Jennylyn at Alex Jazz sina Dennis Trillo na kasalukuyang boyfriend ng aktres at ang anak din nito na si Calix.

Mapapansin naman na mayroong magagandang relasyon ang mga ito base sa mga letratong ibinahagi ni Jennylyn lalong-lalo na ang parehong anak ng dalawa dahil sama-sama ang mga ito na nagdiwang ng kaarawan ni Alex Jazz.

Credit: Jen Mercado instagram

“My Jazz is now officially teenager! Pero he will remain my baby boy forever!😄Happy 13th, my Jazzy!❤️ I love you so much!😘” saad nito sa kanyang caption. Matatandaang isang buwan na mula nang umani ng maraming reaksiyon mula sa mga netizens ang letrato ng anak ni Jennylyn dahil sa kanyang natural at artistahin na ka-gwapuhan na namana at nakuha nito sa kanyang magandang ina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jen Mercado (@mercadojenny)

Maraming netizens ang nagbahagi ng kani-kanilang reaksiyon sa gwapong-gwapo na anak ni Jennylyn na unti-unti nang lumalaki bilang isang binata at habang lumalaki ay lalong lumalabas ang kanyang pang heartthrob na datingan.