Ang simpleng pagbati mula sa isang taong pinahahalagahan sa kahit na anumang okasyon sa buhay mo ay katumbas ng ilang pagbati galing sa iba pang mga tao. Lahat tayo ay may tinatawag na mga paboritong tao, sila karaniwan ay ang ating kaibigan, kasintahan, o kapamilya.
Ano pa man ang posisyon ng taong iyon sa buhay mo, sila kasi ang nagiging lakas natin karaniwan dahil sila din ang nagiging unang makipag saya sayo sa tuwing may tagumpay ka at nagiging kasangga mo sa tuwing nanlulum0 ka.
Credit: @paolo_contis Instagram
May ganoong tao si Yen Santos, at tila nga si Paolo Contis iyon. Sa kanya ngang kaarawan kasi ay makikita sa post ni Paolo Contis kung saan binati nya si Yen Santos ng kaarawan kaakibat din ng pagbati sa nakuha nitong award, “Happy Birthday My Best Actress! 🥰” ani ni Paolo sa kanyang post.
Credit: @paolo_contis Instagram
Tinagurian nga si Yen bilang Best Actress sa 45th Gawad Urian Awards sa kanyang pag ganap sa pelikula na ‘A Faraway Land’ kung saan naging leading man nya si Paolo Contis.
Credit: @paolo_contis Instagram
Ang Gawad Urian Awards isang annual film awards sa Pilipinas na ginaganap noon pang 1977. Binibigay ito ng mga tinatawag na Manunuri ng Pelikulang Pilipino o MPP na kung saan ay kinokonsidera bilang the counterpart ng New York Film Critics Circle sa bansang United States.
Kaugnay ng selebrasyon sa tagumpay ni Yen ay ang kanyang kaarawan, nitong November 20 kung saan ang aktres ay 30 years old na.
Credit: @paolo_contis Instagram
Mapapansin naman na nag enjoy ang dalawa sa kanilang pagdiriwang at kitang kita naman na kahit pa simple ang pagdiriwang ay naging espesyal ito dahil pareho silang dinidiwang ang dalawang mahalagang okasyon sa buhay ni Yen.
Credit: @paolo_contis Instagram
Si Lilieyen Santos o kilala bilang si Yen Santos ay isang Filipina actress. Una syang lumabas sa television sa pamamagitan ng isang reality show na Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010. Nakapag gained nga sya ng kasikatan sa pag ganap nya bilang Ysabel Espiritu sa Pure Love, isang Philippine adaptation ng Korean drama na 49 Days.
Credit: @paolo_contis Instagram
Sa huli isang maligayang pag bat isa iyo Yen Santos, sa iyong kaarawan at nakamit na gantimpala. Happy Birthday and Congratulations!