Heart Evangelista-Escudero, pinasilip ang kanyang napalaki at napakagandang walk-in closet

Credit: Heart Evangelista Escudero instagram

Kapag usaping fashion, isa sa mga Pinoy celebrity na agad papasok sa isip mo ay si Heart Evangelista. Talaga nga namang napakaganda ni Heart at napakalakas ng dating. Kaya naman, kapag usaping fashion statement ay talagang pak na pak ito sa mga netizens.
Sa kanyang video, mayroon siyang pasilip sa kanyang walk in closet na nasa likod ng lahat ng ito.

Source: Love Marie Escudero Youtube

Pagpasok dito, ay makikita ang isang hagdan pataas na mayroong pink carpet at golden rails. Akala mo ay papasok ka sa isang palasyo papunta dito.Unang makikita ay ang kanyang mga damit. Makikita ang mga ito na naka grupo, mula sa mga sweater, dresses at depende pa sa kulay nito.

Source: Love Marie Escudero Youtube

Makikita sa kulay na nakagrupo ito mula sa kulay puti, asul at itim. Makikita din na napakaraming white tops ni Heart dahil isa daw ito sa mga gustong gusto niyang sinusuot.
Isa sa mga favorite tops niya ay ang gawa niMark Bumgarner. Ipinakita niya din ang white tops na Sandro, isang French brand.

Source: Love Marie Escudero Youtube

Pagdating sa mga dress, favorite naman ni Heart ang kulay blue ni Carolina Herrera.
Koleksyon naman ni Heart ang sapatos. Nasa halos 21 years na siyang nagkokolekta ng mga nvd3s, qvirky at iba pang klase ng sapatos. Halos sa mga ito ay
Louboutins brand.

Source: Love Marie Escudero Youtube

Ipinakita din niya ang sapatos na sinuot niya noong Schiapareli fashion show.
Sa mga bags, makikita ang kanyang mga Sequoia at siyempre ang mga napakaganda nitang Hermes bags.Bukod pa dito, mayroon ding lugar si Heart para sa mga libro, at mga pictures na ipapakita din daw niya sa iba pa niyang vlog.

Source: Love Marie Escudero Youtube

Mayroon pa ngang little balcony na makikita dito.Samantala, bilib na bilib naman ang mga netizens sa napakagarang walk in closet ni Heart.

Source: Love Marie Escudero Youtube

“Watching this for the nth because this inspires. I know it looks impossible to be as rich and classy as her but this inspires me to be a woman, be practical and work hard for the things I want. It’s not just about expensive stuff and feeling poor. We are rich in our own ways and perspectives,” saad ng isang netizen.