Heaven Peralejo, kanya ng kinumpirma na may relasyon sila ng aktor na si Kiko Estrada

Maraming netizens ang nagulat nang i-reveal ng magaling at magandang aktres na si Heaven Peralejo at ang aktor na si Kiko Estrada ang kanilang relasyon sa kani-kanilang Instagram account mismo matapos ang kalahating taon mula nang mapagka-malang may relasyon ang dalawa.

Credit: @heavenperalejo instagram

Matatandaang noong na-link sina Heaven at Kiko ay kakahiwalay lamang nina Kiko at ang kanyang 3x-girlfriend na si Devon Ser0n. Nakumpirma ito dahil sa mga letratong inalis ni Devon sa kanyang Instagram account. Ngunit sa pagkakataong iyon ay matapang na itinanggi ni Heaven na wala itong kinalaman sa paghih!w@lay ng dalawa at wala umanong relasyon ang mga ito.

Credit: @heavenperalejo instagram

Kaya naman maraming netizens ang hindi inaasahan ang naging balita sa tunay na relasyon ngayon nina Kiko at Heaven. Kamakailan-lamang ay parehong nagbahagi sina Heaven at Kiko ng mga letrato nilang dalawa sa kanilang Instagram feed kung saan makikita ang mga sweet na sweet na letrato ng mga ito habang kasama pa ang kanilang fvrry baby dog.

Credit: @heavenperalejo instagram

Sa mga letratong ibinahagi ni Heaven ay makikita ang sweet na letrato nilang dalawa at makikita kung gaano ka-saya ang mga ito lalo na sa huling letrato kung saan makikitang hinahalikan ni Kiko sa noo ang aktres na isang napaka-tamis na gesture sa mga magkasintahan.

Credit: @heavenperalejo instagram

“His” saad ni Heaven sa kanyang caption. Isang simple at sweet na caption lamang ngunit ito ay nagpapahayag na siya ay para kay Kiko lamang at wala nang iba pa. Hindi naman nagp@huli si Kiko sa pagpost din sa kanyang Instagram account upang i-dedicate ito para sa kanyang bagong girlfriend kahit na hindi ito gaanong active sa social media nito.

Credit: @heavenperalejo instagram

“I love you” saad naman ni Kiko sa kanyang caption. Hindi naman napigilan ni Heaven ang mag kumento at sumagot sa naging caption ng aktor. “I love you too” reply umano nito sa comment section.

Credit: @heavenperalejo instagram

Makikita sa mga letrato ng mga ito na nagkaroon sila ng masayang road trip mag-kasama na talagang na-enjoy ng mga ito. Matatandaang sina Kiko at Heaven ay parehong kabilang sa kakatapos lamang na television drama series na Bagong Umaga na napanood sa Kapamilya Channel kasama ang iba pang magaling na personalidad sa mundo ng showbiz tulad nina Tony Labrusca, Babrbie Imperial at iba pa.

Credit: @heavenperalejo instagram