Hi Baby Bia! Zeinab Harake, nanganak na!

Isang magandang balita ang ibinahagi ng singer rapper na si Skusta Clee sa kaniyang Instagram, nitong sabado ng gabi, sa unang araw ng Mayo. Ipinamalita niya sa lahat na nanganak na ang kaniyang kasintahang Famous Vlogger na si Zeinab Harake sa kanilang unang supling.

Source: Skusta Clee TV Youtube

“Pinakamagandang nangyari sa buong buhay ko” saad ng rapper na si Skusta Clee.
Dumagsa naman ang mga pagbati sa dalawa ngayong sila ay ganap ba magulang na.

Nagbigay ng pagbati na may pagmamahal ang kanilang mga magulang, pati na rin ang iba pa nilang mga kaibigan, kagaya nila Donnalyn Bartolome, at Awra Briguela na nag-iwan ng pagbating:
“congrats daddy sauce n mommy sauce”

Source: Skusta Clee TV Youtube

Ang kanilang fans ay tuwang-tuwa rin sa naging balita, at mabilis na kumalat ang kasiyahan sa lahat ng social media platforms. Nagbahagi rin ang new mommy vlogger na si Zeinab Harake sa kaniyang Instagram story, Saad niya:
“THAKYOU LORD HANGGANG NGAYON HINDI KO MAPIGILANG HINDI MAIYAK SA BLESSING NA BINIGAY NYO SAMIN,”

Source: Skusta Clee TV Youtube

Ipinamalita ng magkasintahan ang pagdadalang-tao ni Zeinab noong December, na sinundan naman ng gender reveal pagkasunod na buwan. Sa kabuuan ng pagbubuntis ng vlogger, kaniyang ina-update ang mga nagmamahal sa kaniya lalo na ang kaniyang mga fans sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang preperasyon bilang mga magulang sa kaniyang YouTube channel.

Source: Skusta Clee TV Youtube

Ilan sa naging vlogs ni Zeinab habang siya ay nagdadalang-tao ay ang gender reveal, pag-aayos ng magiging silid ni Baby Bia, at ang kaniyang magandang maternity photosh00t. Zeinab Harake is one of the most popular vloggers and social media stars in the Philippines. She is best known for the unique and creative content in her vlogs. The star is in a relationship with rapper Skusta Clee.

Source: Skusta Clee TV Youtube

Si Zeinab Harake ay isang kilalang personality, influencer, vlogger, at social media star ngayong panahon sa ating bansa. Siya ay kinagigiliwan ng mga netizens dahil sa taglay niyang kabaitan at kakulitan, na nagpapakita ng totoo niyang pagkatao. Siya ay kasintahan ng singer- rapper na si Skusta Clee.

Marami man ang pinagdaanan ng kanilang relasyon, ngayon ay higit pang magiging maayos ang takbo ng kanilang pagmamahalan sapagkat nadagdagan pa ang kanilang inspirasyon.