” Home is wherever I’m with you ” eto naman ang nakakakilig na caption ni Javi Benitez sa litrato nila ng nobyang si Sue Ramirez

Makikita sa latest post ng aktor na si Javi Benitez na namasyal sila ng girlfriend niyang si Sue Ramirez sa isang lugar na may magandang view o overlooking. Ito ay sa Victorias City, Negros Occidental.
Napakasweet ng dalawa sa kanilang mga captured moments. Mapapatunayan talagang masaya sila tuwing kasama nila ang isa’t isa. Makikita rin sa pangalawang picture na nakakain sila ng classic snack ng mga Filipinos na “taho”.

Credit: Javi Benitez instagram

Kasing sweet din nila at ng kinaing taho ang caption ni Javi sa nasabing post. “Home is wherever I’m with you ❤️” ang sabi ng celebrity sa caption. Talaga nga namang mas nakaka-enjoy mamasyal kapag kasama ang iyong mahal sa buhay. Nakaka-refresh din sa pakiramdam ang lugar na binisita ng couple dahil sa napakagandang tanawing mayroon ito kung saan makakapag-unwind ka talaga nang mapayapa.

Credit: Javi Benitez instagram

Makikita naman sa comment section ang sinabi ng showbiz personality na si Lotlot de Leon na “You guys are adorable ❤️❤️❤️” Nagcomment din ang celebrity na si Kiray Celis ng “love ko kayong dalawa”

Credit: Javi Benitez instagram

Kailan lang nang may pinuntahan nanaman ang dalawa na isang beach. Binisita nila ang Balulan Beach Resort sa Manapla. Hindi rin naman nila ipinalampas i-capture ang kanilang moment sa lugar at ibinahagi sa social media.

Credit: Javi Benitez instagram

Mapapansing madalas talagang nagsasama ang dalawa o nagkakaroon ng quality time. May mga oras talaga silang inaalay para sa isa’t isa sa kabila ng kanilang mga schedule sa kanilang trabaho sa industriya ng showbiz.

Credit: Javi Benitez instagram

Maaalalang February 20 nang magsimula ang mga rum0rs na romantically involved umano ang dalawa. Buwan ng August naman nang tuluyan na ngang kumpirmahin ni Sue na mayroon nga silang relasyon ni Javi.

Credit: Javi Benitez instagram

Kailanman ay hindi tinago ng dalawa ang kanilang relasyon dahil ayon sa statement ni Javi noon, kailangan sabihin sa mundo ang relasyon at huwag i-d3ny kung mahal mo ang tao at totoo ang iyong nararamdaman.

Credit: Javi Benitez instagram

Kaya kung bibisitahin ang kanilang mga social media accounts ay madalas silang magpost ng mga pictures nilang magkasama simula nang isapubliko nila ang kanilang relasyon. Ang dalawa ay nagkakilala sa industriya ng showbiz. Nagsimula ang lahat nang naghahanap si Javi ng leading lady para sa isang project kung saan binanggit naman ng kanilang mutual friend si Sue para sa role.

Credit: Javi Benitez instagram