Ina Raymundo, nagbahagi ng throwback na litrato nila ng kanyang asawa na si Brian Poturnak makalipas ng 21 taon

Sino nga ba ang hindi nakaka-kilala at nakaka-miss sa magaling, maganda at s3xy na aktres na si Ina Raymundo? Matagal-tagal na rin mula nang mapanood si Ina sa telebisyon ngunit kahit na ganoon ay marami pa ring mga netizens ang nakaka-kilala rito. Kamakailan-lamang ay nagbahagi si Ina sa kanyang Instagram account ng isang throwback photo nila ng kanyang asawa na si Brian Poturnak.

Credit: Ina Raymundo instagram

Ang kanyang post ay mayroong dalawang letrato kung saan sa unang photo ay makikita ang unang letrato ng dalawa bilang mag girlfriend at boyfriend habang sweet na sweet na naka-h@lik pa ang aktres sa pisngi ni Brian. Samantala, sa second picture ay makikita ang latest photo nila ng kanyang asawa ng magkasama na hindi nagkaka-layo sa naging unang throwback picture ng mga ito.

Credit: Ina Raymundo instagram

“Then & Now (2000 vs 2021) First pic was our first “selfie” as bf/gf (using a point & shoot camera) bagay ba?” saad nito sa kanyang caption. 21 taon ang agwat ng dalawang letrato ngunit kahit na ganoon ay tila ba hindi man nag-iba ang kanilang mga itsura at hindi man lang tumanda matapos ang dalawang dekada.

Credit: Ina Raymundo instagram

Hindi lamang ang mga itsura nina Ina at ng kanyang asawa ang nanatili dahil pati ang kanilang relasyon at pagmamahalang mag-asawa ay wala pa ring kupas at patuloy na pinapatibay ng panahon. Ang pagmamahalan siguro ang nakakapag-panatili ng kanilang mga batang itsura.

Credit: Ina Raymundo instagram

Dahil noong Enero lamang ay ipinagdiwang na ng mga ito ang kanilang ika-18th taong wedding anniversary. Hindi na rin nakakapag-takang hindi malayo ang naging itsura ni Ina sa naging throwback photo nito kasama ang asawa dahil hindi na bago sa mga netizens ang batang itsura nito dahil hanggang ngayon ay fit na fit at seksing-seksi pa rin ito kahit na nagkaroon na ito ng limang anak sa 18 years nitong pag-aasawa.

Credit: Ina Raymundo instagram

Kahit na 45 years old na ang aktres ay talagang hindi nito nakakalimutang i-maintain ang kanyang figure na siya namang ikina-bilib ng kanyang mga taga-hanga at iba pang netizens kaya naman nagiging inspirasyon din ito sa mga iba pang Pilipino.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95)

Hindi rin nalalayo ang itsura ni Ina sa kanyang panganay na anak na si Erika Rae na pinasok din ang mundo ng showbiz tulad ng kanyang ina at kasalukuyang gumagawa ng kanyang sariling pangalan sa edad na 18 years old.