‘Isa lang ang wish ko para sa’yo, more Talis to come!..’ yan naman ang nakakatuwang birthday wish ni Bossing Vic Sotto sa kanyang asawang si Pauleen Luna

“Isa lang ang wish ko para sa’yo, more Talis to come! Para matupad na ang wish ay umpisahan na natin,” ito ang mga katagang sinambit ni Bossing Vic Sotto sa birthday celebration ng kaniyang asawa na si Pauleen Luna sa Eat Bulaga na nagpakilig at nagpaexcite sa kanilang mga fans.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

Ito lang daw ang wish niya sa kaarawan ng kaniyang asawa noong November 10.
Ito naman ang tugon ng kaniyang asawa na si Pauleen Luna sa kaniyang wish, “Magtrabaho ka muna!”
Sa kabaitan at kacute-an ng kanilang anak ay sino nga ba ang hindi magnanais ng more Talis.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

Si Tali ang “ball of sunshine” ng mag-asawa na sina Vic Sotto at Pauleen at pati narin sa mga dabarkads.Tila ba pati ang mga netizens ay nagwiwish na rin ng more Talis dahil nabihag din ni Tali ang puso ng mga netizens.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

Sino ba naman ang ayaw kung madadagdagan ng isang bibong bibo at cute na cute na bata ang pamilya nina Bossing kaya naman maraming nasabik na mga fans sa wish ni Bossing Vic.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

Sa instagram post ni Pauleen ukol sa kaniyang birthday ay sinabi niya na siya ay officially out of the calendar na. Sinabi rin niya sa post kung gaano siya kablessed at kung gaano sya kathankful sa mga blessings na dumadating sa kaniyang buhay.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

“Officially out of the calendar God has blessed me with so much more than i deserve. I am truly grateful for all things, big and small but i am most grateful for my family.

I am also thankful to all of my supporters and followers who love me and fight for my family unconditionally.I wish for love, peace and happiness for everyone on my birthday! Safety and protection for all! Thank you Lord for this life!” ito ang caption sa post ni Poleng sa kaniyang instagram.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram