Isang Ama,niregaluhan ng sasakyan ng kanyang anak matapos ibenta ang sasakyan nito para matustusan ang gastos sa review para sa Bar exam ng kanyang anak.

Ibang magmahal ang isang magulang. Gagawin nga naman nila ang lahat para makapag sakr!pisyo sa anak. Basta’t para sa kapakanan, kasiyahan at pangarap ng kanilang anak ay kayang kaya nilang ipaglaban at mag sakripisyo para dito. Gaya na lamang ng ama ni Atty. Daniel Kristoffer Ocampo. Taong 2018, nang ibenta ng kanyang ama ang kanyang 2005 model Toyota Fortuner para matustusan ang pangangailangan ng kanyang anak sa kanyang pag rereview sa 2019 Bar exams.

Credit: Pexels.com

Matapos ang kanyang pagsVun0g ng kilay, dalawang taon matapos nito ay pumasa si Kristoffer bilang abogado kaya naman nagkaroon na ng abogado ang kanilang pamilya.
Si Kristoffer naman ang babawi ngayon sa kanyang mga magulang. Kaya naman, sa isang post ay makikitang binilhan niya ang kanyang ama ng brand new Toyota Fortuner .

Credit: Daniel Kristoffer Saclolo Ocampo instagram

“My dad sold his old Fortuner para may pangreview ako sa Bar Exam. Sabi ko palitan ko na lang pag abogado na ko. Hehe. So, eto na… Enjoy and advance happy birthday!,” saad ni Kristoffer.Bukod sa pagbawi, ito na rin daw ang advance birthday gift niya sa kanyang ama na nagdiwang ng kanyang 64th birthday noong September 23.

Credit: Pexels.com

“Kailangan kasi ng medyo malaking budget especially me, coming from the province I have to pay for my board and lodging, also my daily allowance, etc. Eh wala na kaming ibang choice but to dispose a property in order to raise a fund for my review,” sunod ni Ocampo.
Wala na nga namang masabi ang kanyang ama kundi speechless sa naabot ng kanyang anak 2 taon na ang nakalilipas.

Credit: Daniel Kristoffer Saclolo Ocampo instagram

“Ngayon ko lang ulit nakita na ganun kasaya ang tatay ko. Special gift ko ‘yan kay dad cause I made a promise na papalitan ko ‘yung pinakamamahal niyang Fortuner. ‘Yan talaga inuna ko sa savings ko,” patulog pa niya.Nagpapasalamat naman siya sa kanyang boss na si Atty Bembol Castillo na tumulong sa kanya. Isang 2019 Bar Exam passer si Ocampo at ngayon ay nagtatrabaho sa private firm sa Cabanatuan, Nueva Ecija.