Bukod sa pagiging isang TV host at volleyball player, nakilala din si Gretchen sa kanyang mga adbokasiya at pagtulong sa kapwa. Isa sa mga ginawang proyekto ni Gretchen ay ang kanyang “Donate a Bike, Save a Job” campaign.

Naglalayon ang proyekto na ito na matulungan ang mga taong naw@lan ng trabaho sa panahon ng p@ndemya lalo na at napakah!rap ng panahon na ito.Kaya naman, isang beneficiary ang ipinakilala ni Gretchen sa atin. Si “Tatay Bong,” isang streetsweeper living kasama ang kanyang tatlong anak ay naninirahan sa barong barong na walang tubig at kvryente sa Cubao.

“Sa madilim na sulok na ito sa Cubao nakatira ang streetsweeper na si Tatay Bong at ang kanyang mga anak. Ilang taon na rin silang walang kuryente at tubig,” saad ni Gretchen.

Dahil sa hirap ng buhay at sinabayan pa ng pand3mya, kaya nahihirapan sina Tatay Bong. Maging kanyang mga anak ay nah!hirapan na ituloy ang kanilang pag-aaral lalo na ngayon na distance learning.

“Para makaraos sa distance learning, dito sa labas ng bahay, sa ilalim ng poste, nagaaral ang mga bata. Nung dumating kami sa lugar nahul0g pa si tatay habang iniinstall yung bagong solar lamp. Mad!lim kasi. OK naman siya. Biniro ko na lang. Sabi ko, ‘tay, sa bawat sak!t may ginhawa,” patuloy pa ni Gretchen.

Kaya naman, binigyan siya ni Gretchen ng bagong bisikleta na kanya daw gagamitin para magbenta ng fishball.”Yung folding bike na bigay namin, kakabitan daw nila ng cart para maging fishball vendor na lang si Tatay, at mabantayan niya ang mga anak!” dagdag pa ni Gretchen.

Bukod sa bike, nakatanggap din sila ng groceries, solar lights, electric fan, at gas stove na mula naman sa mga netizens.Kaya naman, malaking tulong ang lahat ng tulong na ito ni Gretchen at ng mga netizens.Matatandaang nagsimula ang lahat ng ito noong Hunyo noong nagdonate si Gretchen ng mga bisikleta sa mga nagtatrabaho lalo na noong ECQ pa na pah!rapan sa masasakyan.
