Iwa Moto, isinilang na ang pangalawang anak nila ng kanyang partner na si Panfilo “pampi” Lacson Jr

Isinilang na ng aktres na si Iwa Motto ang second baby nila ng kanyang mister na si Panfilo “Pampi” Lacson Jr. noong huwebes, January 21. Sa Instagram post nga ni Iwa, ibinahagi nito na pinagalanan nila ang kanilang pangalawang anak na Caleb Jiro Iwamoto Lacson.

Credit: Iwamoto instagram

Makikita rin sa kanyang IG post ang larawan ni baby Caleb o Cj kasama ang ama nito na may caption na “Lo and behold, here comes the newest addition to our growing family. Our new bundle of joy our little boy who will be filling our hearts and lives with love and happiness from this day forward! What a beautiful blessing on the 21st day of the 21st year of the 21st century”

Credit: Iwamoto instagram

“My heart is overflowing with love and joy the first time I held you in my arms. Our son, baby CJ, yours, and Ate Mimi’s first day in life are the best days of mine! I could not explain the outpouring happiness that I am feeling right now. I am so blessed to have you, Ate Mimi, Kuya Muy, and Daddy Pampi and I could not ask for more!” dagdag pa nito.

Credit: Iwamoto instagram

Ibinahagi rin niya na hindi nagging madali ang kanyang pagbubuntis at lumabas na agad ang kanyang baby kahit hindi pa oras para lumabas sa kanyang sinapupunan.

Credit: Iwamoto instagram

“My pregnancy wasn’t e@sy in fact, it is still not time for him to come out just yet, but I guess baby CJ is so excited to see and c0nquer the outside world. Such a w@rrior just like me, isn’t he?”

Samantala, nag post rin ang happy daddy na si Pampi ng photo collage kung saan makikita si Caleb at ang baby photos ng mga kapatid nito na si Thirdy na anak niya sa kanyang first wife na si Jodi Sta. Maria at ang panganay nilang anak ni Iwa na si Hiromi Aiko Eve.

Credit: Iwamoto instagram

Umulan naman ng pagbati ang post ng mag asawa kung saan pati si Jodi na napabalitang close friend nila ay may congratulatory message din para sakanila.

Credit: Iwamoto instagram

“Growing family!” comment pa nito. Tumatayo din si Iwa bilang second mom ng anak ni Jodi.
Si Iwa ay bunga ng isang Talent search na starstruck at huling napanood noong taong 2015 sa Marimar. Bagamat hindi na aktibo sa showbiz, mababakas sa mukha nila sa kanilang mga larawan ang isang masayang pamilya.