Iwa Moto, pinakita ang kanyang napakacute na “mini me” na si baby Caleb Jiro

Matagal- tagal na rin noong napanood ng mga viewers ang aktres na si Iwa Moto mula noong iwan niya ang mundo ng showbiz sa taong 2015 nang naging isa siya sa mga cast ng remake ng sikat nag teleserye na Marimar at gumanap ito bilang Magda Evangelista.

Credit: Aileen Iwamoto instagram

Matatandaang unang nakilala ng mga viewers si Aileen Quimado Iwamoto o kilala sa kanyang stage name na Iwa Moto nang maging first runner up ito sa third season ng StarStruck na isang reality- based talent search show ng GMA network.

Credit: Aileen Iwamoto instagram

Simula noon ay nakatanggap ng maraming proyekto si Iwa at naging starting line niya ito para sa kanyang career sa showbiz. Naging part din si Iwa sa Kapatid network’s dance competition na Celebrity dance battle at napasama sa mga finalist ng show.

Credit: Aileen Iwamoto instagram

Pagkatapos ng pag- sali nito sa Celebrity dance battle at pagiging isa sa mga cast ng remake ng Marimar ay ang huling beses na nakita at napanood ng mga views si Iwa sa telebisyon dahil mas pinili nito ang magkaroon ng tahimik at masayang buhay kasama ang pamilya. Mapapansin sa mga Instagram post ni dating Japanese- Filipino na aktres na si Iwa Moto na maayos na maayos at masayang- masaya ang buhay nito kasama ang kanyang pamilya.

Credit: Aileen Iwamoto instagram

Noong 2017 ay ibinahagi niya ang mga pictures ng kanyang bagong bahay at mararamdaman kung gaano ito ka excited na buksan ang bagong chapter ng kanilang buhay magpapamilya. Ibinahagi ni Iwa ang interior design ng kanilang bahay at iba pang mga kagamitan nito.

Credit: Aileen Iwamoto instagram

Kilalang- kilala rin naman ang kasama sa buhay ni Iwa Moto na si Pampi Lacson na dating asawa ng magaling din na aktres na si Jodi Sta. Maria. Ang dating mag- asawa ay mayroong isang anak na si Thirdy, ngunit kahit na mayroong anak si Pampi kay Jodi ay hindi na bago ang balita sa mga netizens na maganda ang relasyon ni Iwa Moto kay Jodi Sta. Maria at sa anak nitong si Thirdy.

Credit: Aileen Iwamoto instagram

Samantala, mayroon ding sariling anak si Iwa kay Pampi na si Hiomi Aiko Eve o Eve lang for short na ipinanganak niya noong 2013. At makalipas ang mahigit na walong taon ay ipinanganak naman ni Iwa ang kanilang second child ni Pampi.

Credit: Aileen Iwamoto instagram

Sa pagkakataong ito ay nagsilang si Iwa ng isang Baby Boy at ipinangalan niya ito bilang Caleb Jiro na talaga namang ikinasaya ng buong pamilya nito. Tulad ng iba pang mga magulang ay hindi maiiwasan na ibahagi ay ipagmalaki ng mga ito ang kani- kanilang mga magaganda at gwapo na mga anak at isa na rito si Iwa.

Credit: Aileen Iwamoto instagram

Laging ibinibida at ibinabahagi ni Iwa ang mga baby pictures ng kanyang Baby Boy. Mapapansin na kuhang- kuha ni Baby Caleb ang pagiging singkit ng kanyang ina at para bang carbon copy ang mga ito lalo na sa isang recent post ni Iwa sa kanyang Instagram account.

Credit: Aileen Iwamoto instagram

Kamakailan- lamang ay nagpost ito ng isang picture kasama si Baby Caleb na may caption na “Mini me😅” simpleng- simple pero talaga naman napatunayan nila ito dahil kamukhang- kamukha niya talaga ang kanyang anak.

Credit: Aileen Iwamoto instagram

Healthy na healthy ang unang baby boy ni Iwa at mararamdaman talaga kung gaano ka stable at kasaya ang buhay nito kasama ang pamilya at talaga namang walang pagsisisi ito sa pag- iwan niya sa mundo ng showbiz.