Iya Villania, ikunuwento kung anong ginagawa ni Primo dahil hindi ito sanay na natutulog na hindi katabi ang Ina

Credit: Iya Villania instagram

Ang mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano ang isa sa mga most successful celebrity couple sa Pinas. Bukod sa ang gaganda ng kanilang mga career, ay patuloy na lumalaki ang kanilang pamilya.Tatlo na ang kanilang anak na sina Primo, 4 taong gulang, Leon na 1 taong gulang at si Baby Alana na halos kakapanganak lang noong nakaraang buwan.

Credit: Iya Villania instagram

Napaka adorable at cute nga naman ng magkakapatid na ito. Manang mana sa kanilang mga magulang. At sa isang Instagram post ni Iya ay ibinahagi niya ang napakasweet gesture ni Baby Primo.

Credit: Iya Villania instagram

Nakasanayan na daw kasi ni Primo na matulog sa iisang kwarto kasama ang kanyang mommy Iya. At dahil kay Baby Alana, kailangan ni Iya na bantayan si Baby. At ipinaliwanag naman daw niya ito kay Primo.

Credit: Iya Villania instagram

“My 4yr old little man. Our original baby isn’t used to having me sleep in a separate room. In fact, the past couple of nights he’s been sleeping with Alana and I the other night at 3am, he just decided to get up and walk to my room in the dark to sleep with me when I try to explain to him that I need to stay with Alana,” kwento ni Iya.

Credit: Iya Villania instagram

At noong minsan ng alas tres ng gabi, ay pumunta daw si Primo sa kanya at sinabing namimiss na niya ang kanyang mommy..”he says “but I miss you so much!” Haaay… my kuya Primo my sweet, darling boy who’s always trying to find reasons to deserve game/gadget time. We love you so much!,” saad ni Iya.

Credit: Iya Villania instagram

Talaga namang napaka sweet ni Primo sa kanyang ina. Kaya naman, saad ng kanyang ina na deserve daw niya ang mas mahabang gadget time.Samantala, naibahagi din ni Iya na ang kanyang amang si Drew ang gumupit kay Primo dahil mahaba na rin ang buhok niya.”Oh! And a d!sclaimer about the hair. Drew cvt that out of love and concern for Primo’s eye that we thought was getting irr!tated coz of his hair. Turns out the irr!tation wasn’t coz of the hair,” dagdag pa niya.

Credit: Iya Villania instagram