Jake Ejercito, pumunta ng Siargao upang makapiling ang kanyang unica hija na si Ellie

Labis labis nga naman ang pagmamahal ng isang magulang sa kanyang mga anak. Kayaman ng isang magulang na makita ang kanyang anak na lumalaki at nagiging masaya sa buhay.

Credit: Jake Ejercito instagram

Kaya naman, daddy duties muna ang hinarap ng aktor na si Jake Ejercito matapos lumipad ni Jake patungong Siargao para makapiling ang kanyang anak na si Adrianna Gabrielle Eigenman o mas kilala bilang Ellie.

Credit: Jake Ejercito instagram

Kung ang iba ay surfing o pamamasyal ang pinupuntahan sa Siargao. Para kay Jake, ang kanyang anak at makapiling siya ang kanyang pakay dito. Makikita sa IG stories ni Jake kung paano nga ba naging masaya ang kanilanh father and daughter bonding.

Makikita sa unang larawan na nakasakay siya sa eroplano. Habang ang kasunod ay ang nakaka amze na view mula sa himpapawid. Panghuli naman dito ang larawan na niyayakap ang kanyang nag-iisang prinsesa.

Credit: Jake Ejercito instagram

Sa katunayan, unang beses na pumunta ni Jake sa Siargao. Kaya naman, masaya itong nakita ang napakagandang view at para masundo na rin si Ellie.

Credit: Jake Ejercito instagram

Matatandaang panganay na anak ni Jake si Ellie kay Andi Eigenmann na naisilang noong 2011.
Nakauwi na sina Andi kasama ang kanyang partner na si Philmar at ang kanilang anak na si Lilo noong nakaraang Hunyo.

Credit: Jake Ejercito instagram

Sa Metro Manila na rin nanganak si Andi sa kanilang bunso na si Koa. Sa mga panahong ito, ay mas naging close si Jake at Ellie dahil mas magkalapit na sila sa mga panahong iyon. Bonus pa nga na na feature ang kwento ng mag-ama sa isang parenting magazine.

“The silver lining in all this is having spent 102 straight days with her as opposed to the usual sched. The days were long and tough, but she’s been a reminder that the world still is beautiful— and better than Marst,” saad ng isang IG caption ni Jake kasama si Ellie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jake ejercito (@unoemilio)

Kaya naman, quality time din ang sinisigurado ni Jake para kay Ellie lalo na at matagal din silang di nagsama noon.