Janella Salvador at nobyong si Markus Paterson, sweet na sweet sa kanilang ikalawang taon bilang magkasintahan

Masayang naipagdiwang ng celebrity couple na sina Janella Salvador at Markus Paterson noong Martes March 23 ang kanilang second anniversary bilang isang couple. Thankful nga naman si Janella at Markus sa isa’t-isa. Bukod sa pagiging mag kasintahan, naging kaibigan at sandigan nila ang isa’t isa sa anumang panahon.

Credit: Markus Paterson instagram

Makikita ang kanilang palitan ng mga sweet anniversary greetings sa kanilang IG.
Makikita ang video na ginawa ni Janella para sa kanilang dalawa. Napakasweet nga naman nito dahil makikita ang kanilang mga larawan na magkasama. Kikiligin ka sa kanilang mga sweet bonding moments na magkasama.

Credit: Markus Paterson instagram

“2 years of goofing around with my favorite potato. Mabu, booba,” saad ng IG caption nito.
Samantala, si Markus naman ay nagbahagi ng kanilang mga throwback pictures na naguumapaw din naman sa sweetness.

Credit: Markus Paterson instagram

Sa kanyang mensahe, mababasa dito ang maikli pero malaman na mensahe niya para kay Janella.
“2 amazing years with you my love. I love you more than the sun loves the sky,” saad niya.

Noong nakaraang Setyembre kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon at noong October 2020 ay dumating sa kanilang buhay ang kanilang baby na si Baby Jude na naisilang sa United Kingdom.
Narito naman ang mga sweet messages ni Janella at Markus para sa kanilang baby noon.

Credit: Markus Paterson instagram

“If your dad and I could have you to ourselves forever in our own quiet little world, we would. But that would be selfish,” said Janella in their vlog post introducing their son to the public. “You’re too precious to not be shared. The world deserves to see the precious smiles you give us — the ones that melt our hearts. The world deserves to see you grow in your own unique self,” lahad ni Janella.

Credit: Markus Paterson instagram

“The minute I saw you, I knew I would do anything in this world to protect you,” Markus, for his part, said. “I can’t wait to introduce you to the world and hold you in my arms even until you think it’s uncool and get mad at me as you walk off to your friends. And yes, I will be that dad. You are loved forever by your mother and I,” mensahe naman ni Markus.