Janella Salvador at partner nitong si Markus Paterson, ipinakilala na ang kanilang baby boy na si Jude

Usap usapan noon ang couple na sina Markus Paterson at Janella Salvador. Mula kasi sa kanilang naging video noon na sa social media ay naging tampunan ito ng mga usap-usapan na buntis nga daw si Janella.

Source: M & J Youtube

Kalaunan, ay may mga nagsabi na sa mga nakaraang buwan ay naisilang na nga daw ang kanilang anak.Kanina lamang, ay maraming mga netizens ang nabulabog sa social media.

Makikita kasi sa post ni Janella na may hawak hawak siyang baby pero di pa makikita dito ang larawan niya. At nakalagay nga doon na abangan daw ang live video na ito sa Youtube.

Source: M & J Youtube

Dito na ibinahagi ni Janella at Markus ang kanilang kwento. Sa unang mga buwan pa lamang, buwan ng Mayo 2020 nang malaman nila na isang baby boy ang kanilang baby. Siyempre, masayang masaya sila sa balitang ito.

Source: M & J Youtube

Makikita din kung gaano kasaya si Markus habang nakikita ang kanyang baby via ultrasound na sinabi ngang malakas daw ang genes ng kanyang daddy. Buwan ng Septyembre nang lumipad na si Janella at Markus sa ibang bansa sa United Kingdom para sa panganganak ni Janella.

Source: M & J Youtube

Matapos ang ilang linggong paghihintay, Oct 20 ng dalhin sa ospital si Janella dahil randam na niya na malapit na ang kanyang panganganak at ito din naman ang expected date nito. Kaya naman, sa araw na ito ay dumating na sa kanilang buhay si Baby Jude Patterson.

Source: M & J Youtube

Sumunod din sa UK noon ang ina ni Janella na si Jenine Desiderio at ang kapatid niya na si Russell na naging katulong nila noon sa panganganak ni Janella lalo na at sila lang naman doon.

Source: M & J Youtube

Ibinahagi din nila ang kanilang mga mensahe para sa kanya, maging ang ama ni Markus, mga kapatid nila at mga kaibigan nila maging sa showbiz gaya nila Maja Salvador at Erich Gonzales.
Tuwang tuwa naman ang mga netizens at narito ang kanilang mga komento:

Source: M & J Youtube

“Can’t waiiiit!! and of course congraaatts to both of you!!🥺”
“WE LOVE YOU, ATE JEA🥰💖
Welcome to the world, Jude🥺 such a cutie”
“The long wait is finally over. Congrats Markus and Jea 💖”