Jason Abalos at Vickie Rushton, pinakilig ang mga fans dahil sa kanilang nakakatuwa na prenup Sho0t

Gaano kahalaga ang isang kasal? Sa marami ito ay tanda ng lubos na pagmamahalan ng dalawang taong nag desisyon na magsama sa hirap man o ginhawa. Sabi nila ang pag aasawa ay hindi nga naman parang kanin na mainit na pwede mong iluwa, dapat nga kasi itong panindigan.

Credit: @vimrushton Instagram

Kung kaya, kung ang dalawang nag mamahalan ay talagang nag desisyon na magsama isa itong tanda ng pangako na dapat hindi dapat masira, tanda ito nang pag commit sa harap ng Diyos ng kanilang pag mamahalan.

Credit: @vimrushton Instagram

Sa mga nagdaang mga post ni Jason Abalos, talaga nga namang hindi matatawaran ang pagiging sweet nito sa kanyang pag flex sa kasintahan na si Vickie Rushton. Nakasuot nga ng traditional na suot ang dalawa, na hindi makakaila na bagay na bagay sa kanila.

Credit: @vimrushton Instagram

Samantala, kab0g na kabog sa mga larawan ang gandang kitang kita kay Vickie. Sino ba namang hindi magiging proud na asawa kung ganito nga naman kaganda hindi ba?, “Hi Misis” sabi pa ni Jason sa kanyang caption sa isang post na naka sentro ang fiancee lamang.

Madami naman sa mga netizen ang talaga namang nag buhos din ng admirasyon sa mga larawan ni Vickie at sinasabing maganda nga ito.

Credit: @vimrushton Instagram

Ang dalawa ay nakasuot ng attire na dinisenyo ni Patty Valle. Si Jason ay naka in piña silk Barong with Callado embroidery, habang ang kanyang fiancee na si Vickie ay nakasuot naman ng beaded Terno gown na Filipiñana.

Credit: @vimrushton Instagram

Napakasarap nga namang magmahal! Isang pagbati para sa dalawang nag mamahalan!

Si Jason Joel Jimenez Abalos ay isang Filipino actor, host, model, endorser at politician. Samantala si Vickie Marie Milagrosa Sausa Rushton ay isang Filipino-British actress, model at beauty pageant titleholder na kinoronahang Mutya ng Pilipinas International 2011. Mas nakilala mga ito ng lumabas sya sa isang sikat na reality show na Pinoy Big Brother.