Jason Abalos, nagpost ng throwback picture na kinaaliwan ng kanyang mga fans

Credit: @thejasonabalos Instagram

Kilala mo ba ang matipuno at ang gwapong aktor na si Jason Abalos? Ilan sa mga teleserye noon ni Jason ay ang “Two W!ves”, “Lumay0 Ka Man sa Akin,” “Agua Bendita,” at marami pang iba.
Dito naipakita ni Jason ang kanyang angking galing sa pag-arte. Mas nakilala si Jason bilang isang magaling na aktor sa mga teleserye at pelikulang kanyang nagawa.

Credit: @thejasonabalos Instagram

Pero, alam niyo bang hilig ni Jason ang Math? Sa katunayan, siya ay graduate ng Civil Engineering.
“Nababakas mo ba sa mukha ng batang to kung gaano kahirap ang mathematics? 😃😃😃 #BSCE,” saad ni Jason.

Credit: @thejasonabalos Instagram

At di lang nagtatapos diyan, ngayon siya ay nagmaMaster’s Degree in Management, major in public administration mula Philippine Christian University. Balak din niyang kumuha ng doctorate degree pagkatapos.

Credit: @thejasonabalos Instagram

“Ït is a dream of Vickie and I to put up a school to give a chance to countless number of people who are not able to afford quality education,” saad ni Jason. Matatandaang si Vickie ay ang kanyang girlfriend na ngayon ay fiance na niya na isa ding beauty queen and dating PBB housemate.
Sa katunayan, engaged na ang dalawa na ibinalita sa atin kamakailan lang.

Credit: @thejasonabalos Instagram

“Habambuhay ko pasasalamat ang Panginoon sa buhay mo, Baba. Patugtugin na ang kampana (I’ll forever be thankful to the Lord for your life, Baba. Let the wedding bells ring),” saad ni Jason.
Kaya naman, masayang masaya si Jason lalo na ngayon nq siya ay nanalo bilang presumptive Nueva Ecija Board Member.

Credit: @thejasonabalos Instagram

“Wanted: Driver 😂 I love you Baba, di ko magagawa to kung hindi sa suporta mo. Thank you 😘😘😘,” mensahe pa ni Jason kay Vickie.

Credit: @thejasonabalos Instagram

Talagang nag-uumapaw ang blessings at favor kay Jason. Deserve naman niya ito lalo na at talagang pinagpaguran naman niya ang eleksyon at mga blessings na kanyang nakakamit. Inspirasyon nga naman si Jason Abalos sa maraming kabataan.

Credit: @thejasonabalos Instagram