Jayda Avanzado, proud na ipinakita ang natanggap nyang parangal na sya ay nag 1st honor nung grade 11 sya

Sa mga nagdaang taon ay unti-unti nang nakakamit ng rising star na si Jayda Avanzado ang kanyang pangarap na maging sikat at in-demand na singer sa industriya ng musika tulad ng kanyang mga magulang. Ngayon pa lamang ay unti-unti nang binubuo ni Jayda ang kanyang sariling pangalan sa pagiging magaling na singer at magaling din na songwriter.

Credit: Jayda instagram

Hindi naman ito magiging imposible dahil naipapakita at naibabahagi na nito sa madla ang kanyang mga talento. Namana rin Jayda sa kanyang mga magulang na sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza ang kanyang mga talento at galing sa pag-kanta dahil parehong kilala at naging sikat na recording artist ang mga ito at nagkaroon pa ng mga best selling albums dito sa Pilipinas. Kaya naman hindi maipag-kakailang maraming taga-hanga ang mga ito.

Credit: Jayda instagram

Tulad ng kanyang mga magulang ay hindi naman binigo ni Jayda ang mga pilipino dahil mayroon itong sarling kakayahan at galing sa pag-kanta at pagsusulat ng kanta. Sa edad na 18 ay pinasok na ni Jayda ang mundo ng showbiz upang ipamalas ang kanyang galing at atlento sa musika kaya naman naging kabilang na ito sa Rise Artist Studio.

Credit: Jayda instagram

Nagkaroon na rin ito ng kanyang sariling major concert sa online upang i-promote ang kanyang debut album na pinamagatang ‘Bahagi’ at ang kanyang lead single na ‘Tunay’ na mapapakinggan na sa mga streaming platforms. Kahit na busy si Jayda sa pag-kamit ng kanyang mga pangarap ay hindi nito nakakalimutang maging mabuting estudyante dahil kamakailan-lamang ay ibinahagi nito sa kanyang Instagram account ang isang certificate nito na nakuha sa kanyang eskwelahan.

Credit: Jayda instagram

Sa kanyang post ay makikitang isa ring magaling at mabuting estudyante si Jayda dahil siya ay ang first honor sa buong grade 11 sa kanyang eskwelahan na talagang kahanga-hanga dahil nakaya niyang pag-sabayin ang musika at pag-aaral at wala itong napag-papaliban at napapabayaan man lang. Kaya naman sinong mga magulang ang hindi magiging proud kung matalino at talentado ang kanilang anak.

Credit: Jayda instagram

Mapapansin naman sa post ni Jayda ang naging kumento ng kanyang ama na si Dingdong Avanzado na nagbigay ng kanyang mensahe para sa anak. “Always remain humble and teachable anak. Never forget all those that helped you along the way. Needless to say, we are so proud of you!” saad nito.