Jhong Hilario, ibinahagi ang napakacute na litrato ng kanyang anak na naka ‘Darna” costume

Sino ba ang hindi nakakakilala sa napakagaling na superhero na si Darna? Siya ang iconic women superhero natin. Bukod kasi sa kanyang angking ganda at lakas, siya din ay mayroong lakas at busilak na puso para sa mga nangangailangan.

Credit: Jhong Hilario instagram

Marami ng mga artista ang gumanap sa role na ito ni Darna. Lahat sila ay inabangan at sinubaybayan ng mga netizens. At ngayon, muli nating makikita ang paglipad ni Darna.

Excited na nga naman ang marami dahil babalik na sa TV ang Darna. Sa ngayon, si Jane de Leon ang gaganap na Darna. Nakaabang ang lahat sa kanyang magiging pagganap sa Darna. Iba nga naman ang isang superhero na Pinoy. Iniidolo siya dahil sa lakas at tapang. Siya nga naman ang isa sa mga simbolo ng women empowerment.

Credit: Jhong Hilario instagram

Sa isang post ni Jhong Hilario, mukhang bagay din pala ang Darna costume sa baby. Chikiting version ang makikita kay Baby Sarina, ang baby ni Jhong. Full Darna costume ang suot ni baby kaya naman talagang tuwang tuwa ang marami sa kanya.

Credit: Jhong Hilario instagram

“DARNA tuloy na tuloy na talaga! 😃 Directed by the one and only Chito Roño. @sarinahilario @chitorono @officialdarna @imjanedeleon #sari #darna #chitoroño,” saad caption ng post ni Jhong.

Proud dad nga naman itong si Jhong sa kanyang baby. Talagang supportive at siya mismo ang bumihis nito sa kanyang princess. Bibong bibo talaga siya. Bilang sample king, marami tuloy ang nagtatanong kung magiging sample princess si baby. Mukhang may ibubuga din naman si baby sa dance floor. Sigurado namang magmamana ito sa kanyang ama dahil sa talento nito.

Credit: Jhong Hilario instagram

Bumuhos naman ang mga komento ng mga netizens para kay Baby Sarina at Jhong. Narito ang ilan sa mga ito.

“Super cute little Jong 🥰❤️❤️❤️❤️❤️”
“really adorable princess”

Credit: Jhong Hilario instagram

“Why sooooooo cute Sarina 💗💗💗💗💗”
“Sarina cutieeee❤️ hugssss and kisses lalab😘”
“So cute nman ng Little Darna Sarina😍❤😘”