Sino ba ang hindi nangangarap na makapunta ng Paris? Isa ang Paris, France sa mga top destination lalo na ng mga Pinoy. Bukod kasi sa napakaganda ng bansang ito, lahat ay nangangarap na mapuntahan ang iconic na Eiffel Tower.
Credit: @jhonghilario Instagram
Pero, syempre hindi lahat ay nakakapunta dito. Kaya naman, napakaswerte ng mga nakakaapak at nakikita ang ganda ng Paris. Kadalasan ang mga artista, mayayaman at mga kilalang tao ang napapasyal dito.
Isa na rito ang Showtime host, kilalang dances at Makati Councilor, Jhong Hilario. Kasama niya sa kanyang Paris Vacation Trip ang kanyang pamilya, ang kanyang may bahay na si Maia Leviste Azores at syempre ang kanilang napakacute na baby, na si Baby Sarina.
Credit: @jhonghilario Instagram
Makikita sa kanilang mga larawan ang saya at enjoyment sa kanilang pamilya. Nakakatuwa ding makita na isang buong pamilya na sila ngayon na namamasyal. Lubos ang saya ni Jhong bilang padre de pamilya na makita ang kanyang mag-ina na masaya at nakangiti.
Credit: @jhonghilario Instagram
Bibo kid din itong si Baby Sari. Manang mana kay Jhong na energetic. Sa kanilang pamamasyal sa Paris, mapapanood dito na napakalikot at talagang nag-enjoy si Sari sa Paris.
Credit: @jhonghilario Instagram
“PARIS VLOG NOW UP ON MY YOUTUBE CHANNEL! Ang emosyonal na pag-haharap ni Sarina Oceanía at Mona Lisa at iba pang kaganapan sa Paris, France,” saad ni Jhong sa kanyang social media.
Credit: @jhonghilario Instagram
Makikita sa vlog na ito ang mga lugar na pinuntahan ng mag-anak. Kahit sino, ay mapapasana-all ka na lang sa ganda at linis dito. Makikita ang ganda ng Paris at lalo itong gumaganda dahil sa saya at pagmamahalan ng pamilya.
Marami naman sa mga netizens ang nakaabang kay Baby Sari. Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens.
Credit: @jhonghilario Instagram
“Ang cute cute ni sari 😍😍kakatuwang baby😁😊👍❤️❤️❤️”
“Kmukha mo tlga ung anak mo Jhong tanda kau ng isang matibay at masayng pamilya🙏❤🙏”
Credit: @jhonghilario Instagram
“Grabe kuys, girl version mo ang baby mo.. S0 cute😍😍”