Jimmy Santos, ibinahagi at kanya ring sinubukan kung paano gumawa ng uling ang mga aeta sa Angeles,Pampanga

Mapapanood sa latest vlog ni Jimmy Santos sa Youtube channel niyang Jimmy Saints na bumisita siya sa isang village. Si Jimmy ay pumasyal sa Clark Sun Valley. Habang pinapakita ang malawak na kapaligiran at magandang tanawin ay hindi na kinailangan maglagay ng background music ni Jimmy dahil siya na mismo ang nagkanta.

Credit: Jimmy Saints Youtube

Dati umanong bundok ang lugar kaya ganoon na lamang kataas at karaming puno ang makikita dito. Dito nagtatanim ang mga taga Sapang Bato lalo na ang mga katutubo kung saan ang kanilang naaani ay ibinebenta nila sa palengke.

Credit: Jimmy Saints Youtube

May nakapanayam rin naman ang dating host na isang residente ng Sapang Bato. Pumunta rin siya sa barangay hall at nakipagkwentuhan din sa kapitan. Kinumusta niya ang mga ito at napag-usapan nila ang pamumuhay ng mga tao sa lugar. Nabanggit din nila ang mga naging pagbabago ng lugar tulad na lamang ng pagtuyo ng tubig sa kanilang sapa.

Credit: Jimmy Saints Youtube

Isa pa sa mga natanong ni Jimmy sa mga indibidwal ay kung saan ang pagawaan ng uling. Bumisita si Jimmy sa pagawaan at nagpaturo sa manggagawa kung paano ito gawin. Ang paggawa ng uling ay isa rin sa mga pinagkakakitaan ng mga residente dito. Sa vlog niyang ito na “Jimmy Santos pinasok na rin ang paggawa ng uling”, tila nais talaga ng aktor na matutunan at masubukan ang paggawa ng uling.

Credit: Jimmy Saints Youtube

Mapapanood naman sa vlog na inisa-isang pinakita ang mga naging hakbang sa proseso upang makapag-produce ng uling. Makikita na ang kanilang mga gamit na kahoy ay mga sangang nahulog na sa puno. Pinapaiksi nila ang mga ito pagkatapos ay iipunin at pagpapatung-patungin.

Credit: Jimmy Saints Youtube

Tatakpan nila ang mga kahoy ng maraming dahon at papatungan ng buhangin o lupa. Ang gamit nilang pagsindi sa apoy ay hindi papel kundi goma o plastic upang matagal umano ang pag-alab nito. Apat hanggang limang araw ang kanilang hihintayin upang maging tuluyang uling ang mga kahoy.

Credit: Jimmy Saints Youtube

Ito ang isa sa mga kabuhayan nila sa kabundukan kaya naman makikitang sila ay sanay na sanay na talaga. Araw- araw nila itong ginagawa dahil marami rin ang umo-order sa kanila. Si Jimmy ay nakikipagkwentuhan sa mga manggagawa habang tumutulong.

Credit: Jimmy Saints Youtube

Masasaksihan rin sa vlog ang pagtutulungan ng mga katutubo sa kabuhayang ito na kanilang pinagkakakitaan. Bago matapos ang vlog ay mayroon pang Knock-knock si Jimmy na sinabayan naman ng mga kapatid na katutubo. Ang Sapang Bato ay isang barangay sa Angeles, Pampanga.

Credit: Jimmy Saints Youtube