Jodi Sta Maria, kinaaliwan ng mga netizen dahil sa nakakatuwang komento nya sa sweet photos nina Iwa Moto at Pampi Lacson

Nakakaaliw ang mga naging kaganapan sa social media sa Instagram ngayon dahil sa comment thread nina Iwa Motto, Pampi Lacson at si Jodi Sta Maria. Nagkomento si Jodi Sta Maria sa picture ng kanyang dating asawa na si Pampi Lacson kasama ang kinakasama nya ngayon na si Iwa Motto.

Credit: Iwa Moto instagram

Makikita sa Instagram account ni Iwa na pinost niya ang sweet photos nila ng kanyang partner na si Lacson. Kaya naman, nakita rin naman ng netizens na nagkomento ang aktres na si Jodi Sta. Maria at ito ang kanyang sinabi “Ehem-ehem kalat na po ang langgam dito”.

Credit: Iwa Moto instagram

“Nakita mo ba next photo? Alam mo naman pag nilambing ko yan napapagastos sya eh,” ito naman ang naging sagot ni Iwa. Sumagot rin naman si Pampi sa komento at nagpasaring tungkol sa kanyang hiling na payagan ito sa pagmomotor niya.

Credit: Iwa Moto instagram

“Malapit mo na ako siguro payagan magmotor sakto pagaling na mata ko hehehe,” sambit ni Lacson.
Natuwa ang mga netizens dahil sa walang bitterness ang nagganap. Sa halip, masaya pa silang naguusap. Narito ang ilang mga komento ng mga netizens:

Credit: Iwa Moto instagram

“Oo nga mapapa sana all k nlng sa 2 i2 eh miss @iam_iwa at idol jowdz big clap sa inyung 2 yung pipiliin lng nilang maging masaya at walang bigat sa dibdib kya pinagpapala silang 2 npaka buti ng knilang puso,”

Credit: Iwa Moto instagram

“Sana ganito din kami ka close ng new partner ng x husband ko para lahat happy and peaceful,”
Makikita naman sa isang litrato na kasama naman ni Thirdy,anak ni Jody , sina Iwa at Pampi. Miss na miss na ni Jody ang kanyang anak sabi nito. Gaganap naman si Jody bilang bisa sa upcoming series na “The Broken Marriage Vow” na malapit ng ipalabas.

Credit: Iwa Moto instagram

Kaya naman, dito makikita na kahit na ano pang mangyari ay dapat na maging masaya at tuloy lamang ang buhay.