Jodi Sta. Maria, may nakakaaliw na cooking vlog kasama ang unico hijo na si thirdy

Sa latest cooking vlog ng aktres na si Jodi Sta. Maria sa kaniyang youtube channel ay kasama niyang nagluto ang kaniyang anak na si Thirdy ng “Cheesy Corned beef with mushroom” na natutunan daw ni Jodi noong siya ay 15 taong gulang.

Source: Jodi Sta. Maria PH Youtube

 

Anak nila ni Pampi Lacson na kaniyang former husband si Thirdy. Ang anak ni Jodi na si Thirdy ay 14 taong gulang na ngayon.

Source: Jodi Sta. Maria PH Youtube

“It’s been awhile since my last upload at talagang namiss ko ang vlogging. Dahil hindi pa tayo pwede magtravel, I will take you not to different places but to my qu@rantine life. The best part is sasamahan pa ako ni Thirdy,” saad ni Jodi sa kaniyang Vlog.

Source: Jodi Sta. Maria PH Youtube

Malaking bagay daw na naidulot ng quarantine sa kanila ay ang oras at bonding nila sa isa’t isa.
“Being in qu@rantine has brought out everyone’s inner chef in them at hindi ako naiiba dyan. Basta may request si Thirdy, I try to create my own version. I was at Thirdy’s age when created this ‘recipe.’,” dagdag pa niya

Source: Jodi Sta. Maria PH Youtube

Sa vlog, naipakita ng mag-ina ang closeness ng kanilang relasyon sa kanilang mga fans. Pinagusapan din nilang dalawang mag-ina ang kanilang mga magagandang memories habang nagttravel sa iba’t ibang bansa tulad ng Zimbabwe, Seychelles, at Finland.

Source: Jodi Sta. Maria PH Youtube

Tuwang tuwa ang mga fans sa kaaliw aliw na bonding time ng mag-ina sa kanilang cooking vlog. Tila ba ay mas nakilala ng mga fans ang totoong relasyon ng mag-ina at kung paano sila magbonding sa kanilang bahay.

Source: Jodi Sta. Maria PH Youtube

Nakikita na sa mga travel vlogs ni Jodi si Thirdy noon ngunit ngayon palang niya nakasama ang anak sa kaniyang cooking vlog. Ayon rin kay Jodi na inaasahan at nirerequest ng mga fans na mas marami ang maging appearance ng kaniyang anak na si Thirdy sa kaniyang mga susunod na vlogs.

Sabik na sabik ang mga netizens na mapanood kung paano sila magbonding mag-ina kaya naman abang na abang sila sa mga susunod na vlogs ng mag-ina.

Source: Jodi Sta. Maria PH Youtube