Jodi Sta. Maria, nagbalik tanaw nung sya ay bumisita ulit sa lugar kung san shin00t ang kanilang sikat na sikat na palabas noon na Tabing Ilog

Isa sa mga ABS-CBN programs na lubos na sinusundan ng mga Pinoy audience noon ay ang seryeng Tabing Ilog na umere mula 1999 hanggang 2003 na pinagbibidahan nila Kaye Abad, Paolo Contis, John Lloyd Cruz, Desiree del Valle, Patrick Garcia, Baron Geisler, Paula Peralejo, at si Jodi Sta. Maria.

Sa isang post ni Jodi, tila binalikan ni Jodi ang mga sh00ting days nila noong siya ay bumisita muli sa Pagsanjan, Laguna.

“After soooo many years, binalikan ko ang isa sa mga memorable places in my life. Ito ang naging ‘destination’ for four years at dito nagsimula ang lahat.

Sobrang nostalgic dahil parang kahapon lang ay nagsho-sh00t pa kami but now, we are all grown ups,” saad ni Jodi.

Malapit daw kasi talaga kay Jodi ang Laguna lalo na at napamahal na siya dito dahil apat na taon din siyang pabalik balik dito. “So ngayon, papunta ako sa isang probinsya na malapit na malapit sa puso ko. ‘Cause I remember, when I was starting back in 1997-1998, ‘yung pinakaunang show na ginawa ko with ABS-CBN ay dito namin shin00t for four years,” sabi pa niya.

Excited naman talaga si Jodi na makita ang set na ito pero hindi din niya alam kung ano ang kanyang mararamdaman kapag nakita na ito.

“Na-eexcite ako kasi it’s been more than 15 years since ‘yung huli akong nakatapak sa Pagsanjan, Laguna and ngayon, hindi ko alam kung ano ang i-eexpect ko.

Pareho pa rin ba ‘yung lugar? Pareho pa rin ba ‘yung mga bahay na pinag-sh00t namin or nagbago na?,” pagpapatuloy pa niya.

Isa sa mga nabisita ni Jodi ay ang Mabini at Cosme Sts. na kung saan binisita ni Jodi ang mga bahay ng naging karakter ni George, Gerry (Mylene Dizon), at Rovic (John Lloyd Cruz).

At dahil nandoon na rin si Jodi, nag side trip na rin si Jodi sa Pagsanjan sa Pagsanjan Arch (Arco Real) at sa Our Lady of Guadalupe Parish Church.