Jodi Sta. Maria, naging emosyonal habang sinasabi na di pa sya ready na maging binata ang kanyang nag-iisang anak na si Thirdy

Napakabilis nga naman ng panahon. Kung dati ay makikita ang mga chikiting na napakaliit, mabibigla ka na lang na teenager na sila ngayon. Kaya naman, pati magulang ay dapat nakasabay sa pagbabagong ito.

Credit: Jodi Sta. Maria instagram

Para kay Jodi Sta Maria, malaking adjustment ang nararanasan niya lalo na ngayong teenager na ang kanyang anak na si Thirdy. Kaya lagi talaga niyang kinakamusta at kinakausap ito.

Credit: Jodi Sta. Maria instagram

“I would always ask Thirdy. Parang ‘How are you?’ because I would want to know kung ano ‘yung nararamdaman niya ngayong araw na ‘to, ano ‘yung pangangailangan niya ngayong araw na ‘to. So gusto ko naman i-address ‘yun,” saad ni Jodi sa kanyang interview sa Magandang Buhay.

Credit: Jodi Sta. Maria instagram

Pero, siyempre rinerespeto din niya na may mga araw na hindi nakakapag open si Thirdy sa kanya.

Credit: Jodi Sta. Maria instagram

“But I know it’s not every day na open siya or ready siya to talk about his feelings and I respect that. In any way I can, pinapakita ko sa kanya na mahal ko siya kasi mahal na mahal ko talaga ‘yung batang ‘yun,” sambit pa ni Jodi.

Credit: Jodi Sta. Maria instagram

Kahit pa daw nakukulitan na minsan si Thirdy sa kanya, gusto lang iparamdam ni Jodi sa kanya na mahal na mahal niya ang kanyang anak.

Credit: Jodi Sta. Maria instagram

“Akala ko magiging handa ako. Kasi alam ko naman. Hindi mo naman mapipigilan ang paglaki ng isang bata, ‘di ba? For me, in my head, ah kaya ito. Pero nu’ng dumarating na ‘yung mga changes, taon-taon na nag-bibirthday siya, nakikita ko na facial hair, kili-kili hair parang sabi ko ‘Grabe, ito na ‘to,” pahayag ni Jodi.

Ilan sa mga pagbabagong kinaharap ni Jodi ay kung dati siya lagi ang kasama nito, ngayon mayroon na rin siyang mga kaibigan na mga bagong tao sa kanyang mundo.

“Parang right before my eyes, lumalaki na ‘yung bata. Tapos parang du’n ko narealize na hindi pala ako handa. Kasi siyempre nu’ng maliit sila, ikaw ang mundo nila. Ngayon, siyempre may ibang importante na rin sa buhay niya. Siyempre nandiyan ‘yung may friends sa school. So sometimes I feel na ‘Awww sila na ‘yung priority,” dagdag pa niya.

Pero sa kabila nito, on process naman ang lahat at unti unti ay nagiging handa naman siya sa mga pagbabagong ito bilang isang ina.