Jody Sta. Maria, kinagiliwan ng mga netizen dahil sa magaganda nyang childhood photos

Hindi mapagkakaila na marami nang pagkaka-iba sa mga kinamulatan ng mga indibidwal sa henerasyon noon sa henerasyon ngayon. Tulad na lamang sa usapang “childhood”. Ang ibang mga bata ngayon ay sa mura nilang edad @dik na sa mga gadgets. Sa dating henerasyon naman ay di pa uso ang mga gadgets kaya ang libangan ng mga bata ay ang iba’t ibang mga laro sa kalsada.

Credit: Jodi Sta. Maria instagram

Sa latest post ng batikang aktres na si Jodi Sta. Maria, ibinahagi niya ang kanyang childhood picture. Tila na-miss ng aktres ang kanyang naging buhay at karanasan noong siya ay bata pa. Mababasa sa caption ng post ang mga ibinahagi niyang mga masasayang alaala sa kalsada.

Credit: Jodi Sta. Maria instagram

“This photo brings back so many memories from my childhood. Yung pakikipaglaro sa mga kapitbahay tatakas ako pero kahit mapagalitan sa pag-uwi okay narin.” ang sabi ng aktres sa panimula ng kanyang caption.

Credit: Jodi Sta. Maria instagram

Tila sa sobrang sabik ng aktres na makipaglaro noon ay nakukuha niya pang tumakas na karaniwan ding gawain ng iba pang mga bata kung saan ayos lang kahit m@pag@litan pa pag-uwi.

Credit: Jodi Sta. Maria instagram

“Do you remember touch taya? 10-20? Or yung plastic balloon na bawal bum@gsak sa lupa pag napalobo mo na?”. Binanggit rin ni Jodi ang mga naalalang nilalaro niya noon.
“Have you waited for the corn vendor shouting mais…mais…at si manong na nangongolekta ng dyaryo at bote kapalit ay chichirya?” dagdag pa sa caption ng aktres.

Credit: Jodi Sta. Maria instagram

Hindi rin nakalimutan ni Jodi ang mga madalas niyang hinihintay pati na rin nakikita sa paligid tuwing siya ay nasa labas ng kanilang bahay para makipaglaro. “I also looked forward to rainy days where we were allowed to run around soaking wet.” Tuwing namang tag-ulan na, maaari pa ring mag-enjoy sa labas ng bahay sa pamamagitan ng pagligo sa ulan.

Credit: Jodi Sta. Maria instagram

“Our childhood plays a big part in who we are today. The simple joys, the contagious laughter, and the mini adventures have taught us that it takes very little to have a happy life. 🤍” ang pagtatapos ni Jodi sa kanyang caption. Walang dudang naging masaya ang childhood ni Jodi at pinapahalagahan niya ang mga panahong iyon.

Credit: Jodi Sta. Maria instagram

Nag-iwan naman ng comment ang ilang mga kasamahan o kaibigan ni Jodi sa industriya ng showbiz tulad nina Nikki Valdez, Iza Calzado, Erika Padilla, Cheryl Cosim, at Kim Atienza. Sila ay na-cute-an sa picture ng aktres at nag-agree rin sa kanyang caption.

Credit: Jodi Sta. Maria instagram