John Lloyd Cruz, muling pinasaya ang mga fans sa kanyang pagbabalik

Sino ba ang hindi kinilig, na inlove at nasaktan sa mga linyahan ng isang John Lloyd Cruz? Dahil na rin sa kanyang galing, tikas, at talento sa pag-arte, maraming mga fans at netizens ang nabighani at nabilib sa kanyang angking talento.

Credit: crownartistmgmt instagram

Bagamat marami ang nabigla noong 2017, nang pansamantalang iwanan ni Lloydie ang showbiz. Pero ngayon, the long wait is over na nga. Dahil opisyal ng inanunsyo ang pagbabalik ni John Lloyd sa showbiz. Apat na taon din ang pahinga ni John Lloyd at kumpirmado na sa isang post ng Crown Artist Management Inc. na siya ay babalik na.

Credit: crownartistmgmt instagram

Makikita sa post na lumapag sakay ng isang private jet si Lloydie. Pumirma na ng kontrata si John Lloyd sa kumpanya ni Maja na labis na ikinatuwa ng marami. At dahil dito, sabik na sabik naman ang lahat sa mga magiging proyekto ng aktor. Makikita sa post kung haano nga ba kasigla at kahanda ang aktor sa kanyang pagbabalik.

Credit: crownartistmgmt instagram

Sa ngayon, wala pang mga detalye sa kanyang mga proyekto. Pero, ang mahalaga ay bumalik na nga si Lloydie na namimiss nating lahat. Nagsimula ang karera ni Lloydie noong 1997 at nakilala sa seryeng Tabing Ilog. Nagsunod sunod ang career at kasikatan ni John Lloyd.

Credit: crownartistmgmt instagram

Sa teleserye o sa pelikula man ay hindi maikakaila na talagang blockbuster hit ang mga ito. Gaya na lamang ng One More Chance nila ni Bea Alonzo at ang A Very Special Love nila ni Sarah Geronimo.
Tinangkilik ng lahat ang mga ito. Kaya naman, ngayon ay excited at masaya ang mga netizens sa kanyang pagbabalik.

Credit: crownartistmgmt instagram

“still the best actor.ever… 😍😍😍 love you popoy!!!” “Di ko sasabihing welcome back, dahil di ka naman talaga nawala. 😊 all the flaws and downs are part of you. We’re happy that you chose to outshine negativities of your life.. Thank you for giving inspiration.. ☺”

“This is the John Lloyd Cruz that I know. Welcome back Lloydie.” “Puro popoy… Welcome back Sir Miggy😘” “Tandaan mo Poy, kaya tayo iniiwan ng mga mahal natin kasi may darating na mas higit pa…higit pang opportunity. Welcome back Poy!Na- miss kita…sobra!”