John Lloyd Cruz, sinagot na ang katanungan kung bakit sya huminto muna sa showbiz

Sa tagal na rin na nawala si John Lloyd Cruz sa showbiz, ay marami din talaga ang nakakamiss sa kanya dahil na rin sa kanyang labis na galing sa pagiging aktor.

Credit: John Lloyd Cruz Fan page Facebook

Taong 2017 nang nabigla ang lahat na nawala sa ere si John Lloyd. Marami tuloy ang nakakamiss sa kanyang pag-arte na talagang inaabangan naman ng maraming mga fans at netizens.

Credit: John Lloyd Cruz Fan page Facebook

Pero, labis naman ang saya ni Lloydie sa kanyang naging buhay mula noong taong ito. Marami ang nabago at dumating sa kanyang buhay na labis na nagpapasaya sa kanya ngayon.
Narito ang ilan sa mga pag-uusap ni Lloydie at Boy Abunda sa kanilang online show na The Best Talk. Tinanong siya kung masaya ba siya ngayon. At isa sa kanyang rason ng kasiyahan ay ang kanyang anak na si Elias.

Credit: John Lloyd Cruz Fan page Facebook

“Wala na yatang mas liligaya pa pagkamayroon kang maliit na anak, na two years old na ang kulit. Wala nang kasing saya. Ang lupet. My little savior,” saad ni Lloydie.

Credit: John Lloyd Cruz Fan page Facebook

Ayon sa kanya, kailangan daw muna niyang huminto at magnilay-nilay.
“Kailangan medyo dumistansya, parang gusto mong maging… para malagyan mo ulit, kailangan mo muna ubusin, something like that,” dagdag pa niya.

Credit: John Lloyd Cruz Fan page Facebook

Nang tanungin naman siya kung napagod ba siya. Sumagot ito at sinabing,

“At one point you realize na sobrang iksi pala ng buhay at gusto mo lang, somehow you realize na kailangan mo pala bigyan ng halaga at attensyon ‘yung mga bagay na hindi mo pwedeng ikaila.. Parang hindi mo siya mad3-deny eh, kailangan mo siyang gawin, otherwise parang tingin ko ayaw ko naman tatanda na magtataka ako na paano kong sinubukan ko ulit.”

Credit: John Lloyd Cruz Fan page Facebook

“And bilang creator gusto mong makapagbigay lagi ng something worth their time. And kung ubos ka, medyo mahihirapan kang ma-deliver iyon kasi wala nang bagong laman iyong utak mo… Wala ka nang maibibigay na tingin ko is worth their time kung sino man yung sumusunod sa’yo. Kumbaga nakakahiya na lang din,” pahayag pa ni Lloydie.