John Lloyd Cruz, sinurpresa din ang anak na si Elias para sa kanyang 3rd birthday

Dalawang birthday celebration ang naganap para kay baby Elias na anak ng dalawang tanyag na personalidad sa industriya ng Showbiz na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Si Elias ay tumuntong sa edad na tatlong taong gulang noong June 27 na ipinagdiwang naman sa magkabilang side, una ay sa side ni Ellen na sinundan naman ng selebrasyon sa side ni John Lloyd na parehong may theme na Spider-man.

Credit: iammajasalvador instagram

Sa Instagram post ni Maja Salvador na may caption na “HBD ELIAS! ❤️💙 We love you Baby Boy!!!” ay ibinahagi niya ang mga pictures at videos na nakuhanan sa birthday celebration ni Elias. Sa selebrasyon na ito ay ang mga kasama naman ay ang side ni John Lloyd, mga pamilya at malalapit na kaibigan.

Credit: iammajasalvador instagram

Kitang-kita talaga na gustong gusto ni Elias ang Spider-man dahil tulad noong celebration kasama si Ellen ay ganoon din sa celebration kasama si John Lloyd na napapalibutan ang lugar ng Spider-man tulad ng mga decorations, balloons, at cake.

Credit: iammajasalvador instagram

Masasaksihan sa mga pictures at videos ang pagiging hands-on dad ni John Lloyd kay Elias. Inalalayan niya ito habang nagb-blow ng candle at tinulungan niyang p@luin ang kaniyang Spiderman-themed Pinata. Makikita sa mukha ni John Lloyd ang sayang nararamdaman niya bilang ama ng birthday boy na si Elias.

Credit: iammajasalvador instagram

Habang nahihirapan naman siyang i-blow ang kaniyang birthday candle ay pabiro naman siyang sinabihan ni Maja na subukan niya na lang mag-whistle kung saan ginawa naman ito ng baby boy na kinaaliwan nila at ng mga netizens na nakapanood dito.

Credit: iammajasalvador instagram

Ang nagpost ng mga captured moments na ito ay si Maja Salvador. Siya ay isa sa mga malapit na kaibigan ni John Lloyd na tanyag na personalidad din sa Showbiz.
Maaalalang una nang nagcelebrate ng birthday si Elias kasama si Ellen at fiancé niyang si Derek Ramsay kung saan ipinasilip niya rin ang mga kaganapan sa celebration sa pamagitan ng pagbabahagi rin ng mga picture sa kaniyang Instagram account.

Credit: iammajasalvador instagram

Kahit na magk@hiwalay na ang dalawang celebrity parents at hindi na nakakasama ng sabay ni Elias ay mapapatunayan naman na hindi naapektuhan ang relasyon ng baby boy sa magkabilang side. Makikitang kung gaano siya kasaya at kakomportable kasama ang mommy niyang si Ellen Adarna ay ganon din sa daddy niyang si John Lloyd Cruz.

Credit: iammajasalvador instagram