Joshua Garcia, nagdiwang na ng kanyang ika-23 taong kaarawan

“Happy 23rd Birthday to this guy! Cheers,” ito ang naging caption ng ktor na si Joshua Garcia sa kanyang sariling post.

Credit: Joshua Garcia instagram

Matatandaang sumikat si Joshua matapos sumali sa Tv reality show na Pinoy Big Brother. Nakita din natin ang kagalingan ni Joshua sa kanyang mga teleserye at pelikula kabilang dito ang “Ngayon at Kailanman” , “The Good Son,” “Vince and Kath and James” at “Love You To the Stars and Back” na talaga namang tinangkilik ng mga netizens at viewers.

Credit: Joshua Garcia instagram

Mapapanood sa ginawang vlog ni Erich ang usapan nila ni Joshua. Dito ay pinagusapan nila ang mga plano nito sa kanyang kaarawan. Ayon kay Joshua, i cecelebrate niya ito kasama ang kaniyang pamilya at sinabi rin dito na si Joshua ang tipong hindi nag cecelebrate talaga ng kanyang birthday.

Credit: Joshua Garcia instagram

“Nakalakihan ko nang hindi nagse-celebrate ng birthday. Last akong nag-celebrate, sa Jollibee, pa-party ng fans ko. Pero ‘yung ako ‘yung maghahanda na party ko, ‘yun ang hindi ko kaya,” ito ang naging sambit ng aktor.

Credit: Joshua Garcia instagram

Sinabi rin ni Joshua kung ano nasa kanyang top 3 list wishes para ngayong ika 23rd birthday niya.

Credit: Joshua Garcia instagram

“Una siyempre maging okay na lahat para makabalik na sa trabaho tayong lahat. Pangalawa is sana maging healthy ‘yung family ko hanggang sa matapos ang lahat ng ito. And ma-achieve ko ang goals ko,”

Credit: Joshua Garcia instagram

Nasabi din naman ni Joshua ang kanyang gustong marating sa buhay. Una, gusto niyang makatapos ng pag aaral pati na rin ang pag tayo ng kanyang business at syempre sa showbiz, gusto ng aktor na sa bawat gawin nitong project o role ay mag iwan ng marka sa mga tao kung paano sya naging magaling na aktor.

Credit: Joshua Garcia instagram

Aabangan naman ang aktor sa kanyang paparating na project sa pelikula at ito ay may pamagat na “Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan,” sa direksyon ni Chito S. Rono bilang entry ngayong taon sa Metro Manila Film Festival.