Joyce Pring Trivino, isinilang na ang kanyang healthy Baby Boy na si Alonso Eliam

Pagkatapos ng siyam na buwang paghihintay ay sa wakas nai-welcome na ng mag-asawang Trivino ang kanilang baby boy nitong simula lamang ng buwang ng July na ibinahagi nila social media.
Ibinahagi ni Juancho Trivino sa kanyang Instagram post ang litrato ng kanyang mag-ina. Sa captured moment na ito ay makikitang hawak-hawak ng asawa niyang si Joyce Pring-Trivino ang kanilang first-born baby habang sa isang kamay ay magkahawakan sila ng kamay ni Juancho.

Credit: Juancho Trivino instagram

Mababasa sa unang bahagi ng caption ang birthday at name ng kaniyang anak na, “July 2, 2021, we welcomed our first born son, Alonso Eliam Pring Trivino to this world.”.

Credit: Juancho Trivino instagram

Ibinahagi niya rin sa kaniyang caption ang kaniyang naramdaman nang mawitness niya ang lahat, magsimula sa una hanggang sa mapanganak ang kanilang baby boy. “Guys, na witness ko lahat at ang masasabi ko lang, this is a feeling that never had before. From seeing Joyce my love deliver (literally fr0ze m3 to d3@th), hearing our baby cry for the first time (took my bre@th away) and held him in my arms for the first time (couldn’t st0p looking at him).”, sabi ni Juancho.

Credit: Juancho Trivino instagram

Ayon kay Juancho, ang naramdaman niya ay walang katumbas at ngayon pa lang niya naranasan.
Sa huling bahagi ng caption ay hindi niya nakalimutang magpasalamat sa lahat ng nais niyang pasalamatan. “I will always thank God for everything and now especially the gift of Life. ❤️ Thank you for your prayers and well wishes through out the pregnancy! May we continue to fulfill our God given purpose in our lives.”

Credit: Juancho Trivino instagram

“To the next chapters ahead! 👨‍👩‍👦” dagdag pa niya na mayroon pang mga hashtags na #TeamTrivino #AdventuresOfJuanchoyce #LiamTrivino.

Credit: Juancho Trivino instagram

Makikita naman sa comment section ang pagbuhos ng mga congratulatory messages sa pamilya. Kabilang dito ang mga taga-suporta, kasamahan sa industriya ng Showbiz, at mga taong malapit sa mag-asawa. Ilan naman sa mga celebrities na nagparating ng congratulatory message ay sina Gabbi Garcia, Barbie Forteza, Iya Villania, Rodjun Cruz, at Andrew Muhlach.

Credit: Juancho Trivino instagram

Kung bibisitahin rin ang Instagram account ni Joyce Pring ay may ibinahagi rin siyang picture kung saan ipinahayag niya ang kanyang galak na nararamdaman sa pag-welcome sa anak. “Thank you for making Mama and Dada the happiest and proudest parents.” ang isa sa mga nasabi niya sa kanyang caption.

Credit: Juancho Trivino instagram

Maaalalang isinapubliko nila ang pagbubuntis noong nakaraang February 2021 habang ikinasal naman ang magpartner noong February 2020.