Juancho Trivino at Joyce Pring, masayang inanunsyo na sila ay magkakaron na ng first baby

Isang taon matapos ikasal ang couple na sina Joyce Pring at Juancho Triviño, inanunsyo at ibinahagi nila sa atin ang good news na sila ay magiging magulang na. First time parents nito si Joyce at Juancho kaya naman masayang masaya sila sa napakagandang regalo na ito mula sa Diyos.

Credit: Juancho Trivino instagram

Inilahad nila ang good news na ito na sila ay nag eexpect ng kanilang panganay na anak sa GMA morning show na “Unang Hirit” noong Martes.

Credit: Juancho Trivino instagram

Makikita naman na ang baby bump ni Joyce na napansin na rin ng kanyang mga co hosts pero gusto pa rin daw niyang masorpresa ang kanyang mga kasama sa trabaho. Sinorpresa din niya ang kanyang asawang si Juancho na naging emosyonal nang marinig din niya ang good news na ito.

Credit: Juancho Trivino instagram

“Actually gusto namin kayong isurprise today as a family kasi kasi yung mga family namin talagang sinurprise namin and ako sinurprise ko din si Juancho on our anniversary dinner, so !yak nang iyak si Juancho,” saad ni Joyce.

Credit: Juancho Trivino instagram

Ayon naman kay Juancho ay talagang whirlwind of emotion daw ang kanyang naramdaman,
“Oo, actually parang whirlwind of emotion nga pero isa sa mga best feeling na naramdaman ko in life,.”
Kinwento din niya kung paanong na sorpresa si Juancho nang ibigay ni Joyce ang mga pregnancy test na ito.

Credit: Juancho Trivino instagram

“Maganda ‘yung ano eh, parang, it was a special dinner date at nag-‘Unang Hirit’ pa ako nu’n nung umaga, tapos after no’n, nung naguusap nalang kami, sabi niya, ‘May mga surprise ako sayo,’ so binigay niya sakin yung pregnancy test tapos, a’yun, parang na-sh00k ako eh!” patuloy pa niya.

Credit: Juancho Trivino instagram

Matatandaang ikinasal si Joyce at Juancho sa Sofitel Philippines Plaza noong February 9, 2020 na isang garden wedding. Naging engaged naman sila noong August 2019. At ngayon, ay aabangan naman ang lahat ang kanilang anak at patuloy na lumalaking pamilya.