Juancho Trivino, excited na inanunsyo ang gender ng kanilang magiging baby ni Joyce Pring

Hindi nga naman maipapaliwanag ang pakiramdam ng isang magulang lalo na ang mga new parents. Sobrang excited sila na makita ang kanilang anak na maisilang. Isa sa mga laging kinaka excite nila ay ang magiging gender ng kanilang baby.

At para sa mag-asawang Juancho Trivino at Joyce Pring, isang baby boy ang biyaya ng Lord sa kanilang dalawa. Sobrang excited na ibahagi ni Jauncho ang balita kaya naman naipost na niya ito sa IG.

Excitement ang mas naramdaman ni Juancho lalo na noong malamang boy ang kanilang baby. Excited na siyang maturuan itong mag bike at mag basketball. Randam mo nga naman talaga sa kanya ang excitement.

“Are you ready world? It’s a boy! Ready nako i-train ng basketball ito at bilhan din ng bike. 😂 Pero higit sa lahat protector ng aming queen bee na si @joycepring #NewParents #ItsAMiniMe #NewDad,” saad ni Juancho. Isa din sa naipost niya ay ang bible verse na kanyang ibinhagi na puno ng pasasalamat sa Diyos,
“Psalm 46:10 is an encouragement for us and new parents out there that also have even the tiniest bit of worry. God is with us,” saad niya.

 

Talaga nga namang sa mga biyayang mula sa Panginoon ay dapat ipagpasalamat at maging masaya sa bawat blessings na ito. Siyempre, hindi lang dito nagtatapos ang buhay ng isang magulang. Sa katunayan, nagsisimula pa lamang ito lalo na at sila ay nasa pregnancy journey stage pa sa ngayon.

“Please check out our pregnancy journey in Joyce’s YT channel also produced by our friends from @treehousestory ❤️🙏 (link in my bio!),” post nito sa IG. Sa kanilang video, mapapanood nga naman ang sakriiisyo nilang dalawa para sa anak. Pero kahit mahir@p man minsan, kayang kaya nga naman itong tiisin at mas mangingibabaw ang saya para sa anak. Iyan ang tunay na pagmamahal ng isang ama’t ina sa kanilang anak.