Judy Ann Santos, hindi maitago ang kilig ng sya ay padalhan ng kanyang asawang si Ryan Agoncillo ng bulaklak habang ito ay nasa set

Hindi mo nga naman maitatago ang kilig kapag ikaw ay pinapakilig ng mga taong nagpapasaya sa iyo. Kayo man ay nagliligawan, magkasintahan o mag-asawa na, ang kilig ay hindi nga naman dapat matanggal sa isang relasyon. Ito ay bahagi pa rin ng relasyon na nagbibigay lakas at nagpapalalim din sa isang relasyon.

Credit: Judy Ann Santos-Agoncillo instagram

Marami ngayon lalo na sa mag-asawa ang hindi na masyadong nagbibigay pansin sa kilig. Dahil na rin siguro sa katagalan at katandaan, mas nagpopokus na sila sa kanilang mga anak at pamilya.

Credit: Judy Ann Santos-Agoncillo instagram

Pero, hindi pa rin naman dapat maalis ang mga sweet gestures na ito na nagbibigay kilig dahil dapat pa ring magpatuloy ang mga bagay na ito sa dalawang mag-isa.

Credit: Judy Ann Santos-Agoncillo instagram

Ang mga bagay na ito na pagiging sweet at thoughtful ay nagpaparandam ng pagka espesyal sa taong mahal mo. Sino ba ang taong aayaw sa pagiging sweet at special?
Gaya na lamang ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Matagal na rin silang mag-asawa. Taong 2009 nang sila ay ikasal. Sa 11 years nilang pagsasama, mas tumitibay at mas nagiging malalim pa ang kanilang pag-iibigan at samahan.

Credit: Judy Ann Santos-Agoncillo instagram

Habang nasa set kasi si Judy Ann, ay pinadalhan siya ng mga bulaklak ng kanyang asawang si Ryan. Parang mga mag kasintahan pa rin ang dalawa sa kilig na dala nito.
“Eeeee…… pinadalhan ako ng manliligaw ko ng flowers sa set! Hindi matago sa mask ang kilig e.. thank you bubbub ❤️❤️ i love you, i love , i love you! Super appreciate you my love.. 😘😘 @ryan_agoncillo,” saad ni Judy Ann sa IG.

Credit: Judy Ann Santos-Agoncillo instagram

Hindi mo nga naman talaga maitatago ang kilig ni Judy Ann sa mga natanggap niyang bulaklak na ito. Masasabi mo nga naman na napakalalim ng pundasyon ng kanilang pagmamahalan kaya naman punong puno din ng pagmamahal ang kanilang pamilya at tahanan. Maging mga netizens ay kilig na kilig din kina Ryan at Juday.