Judy Ann Santos, hinangaan ng mga netizens dahil sa kasipagan at dedikasyon sa kanilang business ng kanyang asawa na si Ryan Agoncillo

Kilala si Judy Ann bilang isang magaling at beteranang aktres. Mula pa man din noon hanggang ngayon, talagang napatunayan na ang kanyang angking galing sa pag-arte.

Marami na nga naman siyang naging mga teleserye, pelikula at mga awards na talagang makikita ang kanyang angking galing at talento. At ngayon, makikita naman sa social media accounts ni Juday ang bagoong journey na kanyang pinasukan.

Pinasukan na din kasi ni Juday ang food industry. Mahilig ding magluto si Juday kaya naman passion niya din ang pinasukan niyang business na ito. At noong nakaraang araw, pinaghalong gutom at pagod ang naramdaman ni Juday matapos ang trabaho.

Makikita sa kanyang larawan sa IG ang labis na pagod ni Judy Ann pero sa likod ng kapaguran ay nandoon din naman ang labis na kaligayahan kay Juday na talaga namang kanyang pinagpapasalamat.

“Yung nagsabay yung antok at gutom.. pero mas nangingibaw yung gutom habang hindi maitago yung kaligayahan mo, kasi naitawid mo lahat ng items na kelangan idispatch on time. ❤️❤️😅 thank you to everyone who bought slots for our sunday market live items,” saad ni Juday sa kanyang IG.

Pagod man ang lahat ng ito. Hindi pa rin matatawaran ang labis na kasiyahan na makita mong naging matagumpay ang lahat mula sa preparasyon hanggang sa pagkuha ng mga orders.
Lubos namang nagpapasalamat si Juday sa lahat ng bahagi ng @ngrydobo. Kung wala daw ang mga ito, ay hindi magiging posible ang tagumpay na ito, ayon kay Juday.

“My heart is so full and grateful! Maraming maraming salamat po! To the whole team of angrydobo, thank you , thank you! I wouldn’t be able to do everything without all of you.. ❤️❤️ #madewithlove @officialangrydobo @ryan_agoncillo,” patuloy pa niya.

Kaya naman, pagod man ay sulit naman ang lahat ng ito dahil sa naging tagumpay nito.