Judy Ann Santos, masayang nagdiwang ng kanyang 43rd birthday kasama ang pamilya

Noong Tuesday May 11, nag celebrate ng ika-43 birthday ang award-winning actress na si Judy Ann Santos. Bumati naman sa social media ang asawa ni Judy Ann na si Ryan Agoncillo.
Sa instagram binahagi ni Ryan ang larawan ni Judy Ann kung saan nasa kusina ito at nag iwan nga ng pagbati si Ryan para sa kanyang asawa.

Credit: Ryan Agoncillo instagram

Sa caption sinulat ni Ryan na,”Maligayang Bati Mahal naming ReynaKusinera.”
Sumagot naman si Judy Ann sa post ni Ryan at sinabi nya sa komento na, “I love you forever.”
Bukod kay Ryan ay marami rin bumati kay Judy Ann na kanyang mga kasamahan sa industriya at malalapit na kaibigan,

Credit: Ryan Agoncillo instagram

Nandyan nga at bumati si Sharon Cuneta na tinuturing na ate ni Judy Ann. Sa instagram nag post si Sharon ng larawan ni Judy Ann kung saan binati nya ito sa kanyang kaarawan.

Credit: Ryan Agoncillo instagram

“Happy, happy birthday to my beloved friend and sister-by-choice, Juday @officialjuday!!! Happy Mother’s Day to you too everyday of the year. God bless you always and I love you with all my heart!” Ang sabi ni Sharon sa kanyang caption.

Credit: Ryan Agoncillo instagram

Nag iwan rin ng pagbati ang kaibigan ni Judy Ann na si Angelica Panganiban na nakasama nya sa 2018 star cinema film na “Ang Dalawang Mrs. Reyes.” “I will always look up to you my ate, and I will forever be grateful for the friendship,” said Angelica. “Happiest birthday mahal kong ate! Yakapan na sana soon.” Ang sabi ni Angelica sa kanyang caption sa instagram post.

Masaya naman nag celebrate ng kaarawan si Judy Ann kasama ang kanyang pamilya. Mayroon nga na tatlong anak sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na sina Yohan 16 years, Lucho 10 years old at ang bunso nilang si Luna na nag celebrate ng limang taong gulang noong January.

Credit: Ryan Agoncillo instagram